Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Li Zhanshu, nangulo sa ika-47 pulong ng tagapangulo ng Ika-13 Pirmihang Lupon ng NPC; ika-16 na sesyon ng Ika-13 Pirmihang Lupon ng NPC, idaraos sa Beijing sa Pebrero 24

(GMT+08:00) 2020-02-17 16:08:51       CRI

Idaraos sa Beijing sa Pebrero 24, 2020 ang Ika-16 na Sesyon ng Ika-13 Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina.

Ang impormasyong ito ay ipinasiya Lunes ng umaga, Pebrero 17, 2020, sa ika-47 pulong ng tagapangulo ng Ika-13 Pirmihang Lupon ng NPC na pinanguluhan ng tagapangulo nito na si Li Zhanshu.

Ayon sa mungkahi ng pulong ng tagapangulo, susuriin sa gaganaping sesyon ang panukalang desisyon hinggil sa pagbabawal sa ilegal na kalakalan ng mailap na hayop, at pagwawaksi sa masamang ugali ng pagkain ng mailap na hayop, upang maigarantiya ang kaligtasan ng buhay at kalusugan ng mga mamamayan.

Susuriin din ang panukalang mosyon ukol sa pagpapaliban ng Ika-3 Taunang Sesyon ng Ika-13 NPC.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>