|
||||||||
|
||
Sa regular na preskong idinaos nitong Miyerkules, Pebrero 26, 2020, ipinahayag ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang lubos na pakikidalamhati ng panig Tsino sa pagpanaw ni Muhammed Hosni Mubarak, dating Presidente ng Ehipto.
Sinabi ni Zhao na noong buhay pa si Mubarak, nakapagbigay siya ng mahalagang ambag para sa pagpapasulong ng relasyon ng Tsina at Ehipto. Ito ay hindi makakalimutan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino, aniya.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |