Ayon sa pinakahuling datos mula sa Pambansang Komisyong Pangkalusugan ng Tsina, bago mag hating- gabi ng Marso 1, 2020, 573 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland.
Samantala, 35 ang karagdagang namatay, at 132 naman ang bagong pinaghihinalaang kaso.
Sa katulad na panahon, 79,824 ang kabuuang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso sa Chinese mainland; at 851 ang bilang ng mga umiiral na pinaghihinalaang kaso.
Bukod dito, 41,625 katao ang kabuuang bilang ng mga gumaling, at 2,870 ang kabuuang bilang ng mga namatay.
Salin: Lito