Sinabi nitong Huwebes, Marso 5, 2020 ni Wang Bin, opisyal ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na lumabas kamakailan ang positibong pagbabago sa operasyon ng pamilihan ng konsumo ng bansa, at sinimulan ang pagbangon ng pagbebenta sa pamilihan.
Ayon sa datos ng nasabing ministri, noong huling dako ng Pebrero, lumaki ng 5.6% ang karaniwang halaga ng pagbebenta ng 1,000 malalaking bahay-kalakal ng tingian sa buong bansa bawat araw, kumpara noong kalagitnaan ng Pebrero. Nauna rito, ang datos na ito ay tuluy-tuloy na bumaba sapul noong huling dako ng Enero. Kabilang dito, lampas na sa 10% ang paglaki ng pagbebenta ng sasakyang de motor, pasilidad ng telekomunikasyon at household appliances.
Tinaya ni Wang na kasabay ng mabisang pagpigil sa epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), ibayo pang mapapanumbalik ang kaayusan ng produksyon at pamumuhay, at matatag na babangon ang pagbebenta sa pamilihan.
Salin: Vera