Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[FB Live] Opisyal na Facebook Livecast hinggil sa COVID-19, Marso 21, 2020

(GMT+08:00) 2020-03-21 13:59:36       CRI

https://www.facebook.com/CRIFILIPINOSERVICE/videos/352635402381076/

PAKSA

1. 100,000 test kits, 100,000 surgical masks, 10,000 N95 masks, at 10,000 sets ng personal protective equipment (PPE) mula sa Tsina, DUMATING NA SA PILIPINAS

2. 50,000 test kits at 500,000 surgical masks, ido-donate ni Jack Ma sa Pilipinas

3. Bagong datos

PAKSA 1

* Dumating na kanina lamang ang ikalawang batch ng donasyong medikal mula sa Tsina, na kinabibilangan ng 100,000 test kits, 100,000 surgical masks, 10,000 N95 masks, at 10,000 sets ng personal protective equipment (PPE).

* Sinabi ni Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas, na hinding-hindi malilimutan ng Tsina ang napakahalagang suportang ibinigay ng pamahalaan at mga mamamayang Pilipino sa unang yugto ng pakikipagdigma ng Tsina sa epidemiya. Kaya naman ngayong ang Pilipinas naman ang nasa maigting na situwasyon, hinding-hindi rin bibitiw ang Tsina sa pagtulong sa mga mamamayang Pilipino.

* Ani Huang, may kasabihang Pilipino na "matibay ang walis dahil sa magkakasamang bigkis ng bawat tingting." Sa katulad na paraan, ang Tsina at Pilipinas ay magkaibigang may matibay na bigkis ng pagkakaibigan mula sa magkabilang pampang ng karagatan, na laging handang tumulong sa isat-isa sa oras ng pangangailangan.

* Gagawin aniya ng Tsina ang lahat ng makakaya upang tulungan ang Pilipinas na pagtagumpayan ang pagsubok na ito.

* Ang kapatirang ito aniya pa ay sumasalamin sa pananaw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na community with a shared future for mankind.

* Naniniwala aniya ang Tsina, na sa matatag na pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte, magtatagumpay ang Pilipinas laban sa virus at mapapanumbalik sa normal ang takbo ng buhay ng mga Pilipino.

* Noong Marso 16, dumating sa Pilipinas ang unang tulong ng Tsina na kinabibilangan ng 2,000 test kits.

PAKSA 2

Sinabi pa ni Embahador Huang na nag-donate na rin ng 50,000 test kits si Jack Ma sa Pilipinas.

Bukod dito, nangako rin siyang magbibigay pa ng 500,000 surgical masks.

Ayon pa kay Huang, mayroon pang isang kasabihang Pilipino na "Sa gitna ng kahirapan, makikita ang tunay na pagkakaibigan." Matatag aniya ang paniniwaa ng Tsina na sa pamamagitan ng magkasamang paglaban ng Tsina at Pilipinas sa epidemiya, ang relasyon ng dalawang bansa ay lalo pang lalakas at lalalim.

* Samantala, sinabi naman ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locain Jr., na napakalaking tulong ang ipinagkaloob ng Tsina sa Pilipinas.

* Ang Tsina aniya ay nagsisilbing isang modelo para sa lahat ng bansa sa buong mundo.

* Sa halip na magturuan kung sino ang may resposibilidad, ang dapat gawin ay magtulung-tulong, at ang ginagawa ng Tsina ay isang kongkretong patunay sa gawaing ito.

* Ang realasyon ng Pilipinas at Tsina ay nasa pinakamagandang yugto, at magkasamang haharapin ng dalawang bansa ang mga komong hamon ng sangkatauhan.

Ani Locsin, ang mga hakbang na ginagawa ng Tsina laban sa epidemiya ng COVID-19 ay ang mga tamang hakbang, at ini-adopt ng Pilipinas ang mga ito.

* Ang kumpletong kuwarentina ng mga komunidad ay ang tanging tumpak na paraan para tanggalan ng biktima ang virus, at ang Tsina ang nagpakita sa lahat ng bansa sa mundo kung paano ito isakatuparan.

PAKSA 3

* 590, gumaling

* 71,740, pangkalahatang gumaling

* Sa sunud-sunod na 3 araw, wala na pong lokal na impeksyon sa Chinese mainland.

* 41, imported na kaso

* 269, pangkalahatang imported na kaso: 14 ang naitala sa Beijing, 9 sa Shanghai at iba pang kaso sa anim na lalawigan.

* 7, namatay

* 3,255, pangkalahatang bilang ng namatay

* 6,013, kasalukuyang ginagamot

SOURCE:

Wang Haili, Mamamayahag ng Filipino Service sa Pilipinas

https://enapp.chinadaily.com.cn/a/202003/21/AP5e7568cea3103a24b110bcd0.html?fbclid=IwAR0r9OFrEwpWlZGXFV7rycIHExEcYY9kkJlXxeZ7mqMf9RC5cPb59gcbz-A

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>