![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Ipinahayag sa Beijing nitong Linggo, Abril 5, 2020 ni Jiang Fan, First-level Inspector ng Departamento ng Kalakalang Panlabas ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na hinding-hindi humadlang at hahadlang ang Tsina sa pagluluwas ng materyal na medikal.
Aniya, hanggang Abril 4, nilagdaan na ng Tsina, at 54 na bansa't rehiyon at 3 organisasyong pandaigdig ang kontrata sa komersyal na pagbebenta ng materyal na medikal.
Bukod dito, kasalakuyan ding sumusulong ang negosasyon sa pagitan ng 74 na bansa't rehiyon,10 organisasyong pandaigdig, at mga bahay-kalakal na Tsino ukol sa komersyal na pagbebenta ng naturang mga materyal, dagdag ni Jiang.
Saad niya, kasabay ng pagpapabuti ng pagpigil at pagkontrol sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) pandemic sa loob ng bansa, nakahanda ang Tsina na ipagkaloob, sa abot ng makakaya ang suporta't tulong sa mga kaukulang bansa't rehiyon.
Nitong Marso 31, magkakasanib na inilabas ng Ministri ng Komersyo, Pangkalahatang Administrasyon ng Adawa, at State Drug Administration ng Tsina ang proklamasyon ukol sa maayos na pagsasagawa ng pagluluwas ng materyal na medikal.
Kaugnay nito, diin ni Jiang, palagiang lubos na pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang kalidad at seguridad ng materyal na medikal.
Aniya, ang pagpapalabas ng nasabing proklamasyon ay upang mahigpit na maisigurado ang kalidad ng mga produkto, istandardisahin ang kaayusan ng pagluluwas, at gawin ang ambag ng Tsina para sa magkakasamang pagharap sa COVID-19 pandemic at pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |