|
||||||||
|
||
Siyamnaput siyam (99) ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland.
Ito ay ayon sa pinakahuling datos ng Pambansang Komisyong Pangkalusugan ng Tsina, hanggang magha-hating gabi ng Abril 12, 2020.
Kabilang dito, 97 ang mula sa ibayong dagat, at 2 naman ang domestiko.
Samantala, umabot na sa 799 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso mula sa ibayong dagat, at 82 ang kasalukuyang umiiral na pinaghihinalaang kaso.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |