Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Amerika, binatikos ang WHO sa hindi nito pagmungkahi ng travel ban sa simula ng pandemiya; Panig Tsino: ang mga mungkahi ay ginawa batay sa siyentipikong simulain

(GMT+08:00) 2020-04-17 14:45:40       CRI

Binatikos kamakailan ng panig Amerikano ang World Health Organization (WHO) sa hindi nito pagmungkahi ng travel ban nang magsimula ang Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) pandemic. Kaugnay nito, sinabi nitong Huwebes, Abril 16, 2020 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sapul nang sumiklab ang epidemiya, batay sa pandaigdigang regulasyon ng kalusugan at siyentipikong simulain, iniharap ng WHO ang mga kaukulang mungkahi na kinabibilangan ng di-kailangang pagpapatupad ng iba't ibang bansa ng travel ban o mga hakbangin sa paghadlang sa kalakalan. Ani Zhao, ang nasabing mungkahi ay ginawa ng kaukulang komisyon, ayon sa takdang proseso, at kasali sa pagtalakay ang dalubhasang Amerikano.

Tinukoy ni Zhao, sa nakaraang 5 beses na biglaang pangyayari ng kalusugang pampubliko na pinag-ukulan ng pansin ng komunidad ng daigdig, hindi iminungkahi ng WHO ang travel ban o limitasyon sa kalakalan. Kabilang dito ang 2009 (H1N1) pandemic na unang natuklasan sa Amerika.

Diin niya, sa simula ng COVID-19 pandemic, paulit-ulit na nanawagan ang WHO sa iba't ibang bansa na bigyan ng lubos na pagpapahalaga ang epidemiya, at aktibong gawin ang paghahanda.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>