Ang pagsiklab ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) pandemic ay nagbunga ng napakalaking hamon sa mga ekonomiya ng daigdig. Sa pamamagitan ng virtual platform, tinalakay ng mga industriya ng pinansya ng iba't ibang bansa, sa kauna-unahang pagkakataon, ang mga paksang gaya ng kooperasyong pandaigdig sa kalagayan ng pandemiya, inobasyon at pag-unlad ng industriya, pagpapasigla at pagbangon ng industriya ng pinansya at iba pa.
Nitong Martes, Abril 28, 2020, inilunsad ng Lujiazui Financial City ang virtual roundtable meeting ng mga international financial cities. Ito ang unang plataporma ng pagpapalitan at diyalogo sa pagitan ng mga international financial cities na itinayo ng Tsina. Kasali rito ang 6 na financial centers at mga organo ng sirkulong pinansyal sa buong mundo.
Sa nasabing roundtable meeting, nanawagan ang Lujiazui Financial City sa iba't ibang international financial centers na patingkarin ang sariling bentahe ng yaman, palakasin ang pag-uugnayan at pagtutulungan, igarantiya ang bukas, matatag, ligtas at maalwang takbo ng global supply chain at industry chain, at pasulungin ang matatag ng pagbangon ng kabuhayan.
Salin: Vera