Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

4 na kamalian ng pamahalaang Amerikano kaugnay ng pagkalat ng COVID-19, ini-ulat ng CDC

(GMT+08:00) 2020-05-04 08:40:46       CRI

Inilabas kamakailan ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ng Estados Unidos ang ulat na pinamagatang Public Health Response to the Initiation and Spread of Pandemic COVID-19 in the United States, February 24–April 21, 2020.

Binalik-tanaw rito ang pagkalat ng pandemiya sa Amerika, at inisa-isa ang apat na dahilan kung bakit mabilis na kumalat ang virus sa Amerika.

Kahit hindi diretso, isinisi ng ulat sa pamahalaang Amerikano, ang lahat ng naturang apat na elementong may kinalaman sa desisyon at patakaran ng mga pederal at lokal na pamahalaan.

Unang una, hindi napapanahong inilabas ng pederal na pamahalaang Amerikano ang travel ban.

Bunsod nito, patuloy na dumarami ang mga naangkat na kaso.

Pangalawa, ang pagtitipun-tipon ng mga tao mula sa iba't ibang lugar, kasunod ng pagbalik sa kani-kanilang pamayanan ay gumaganap ng kapansin-pansing papel sa maagang pagkalat ng COVID-19 sa Amerika.

Pangatlo, dahil sa kakulangan sa kamalayan ng proteksyon, ang mga ospital at pasilidad ng pag-aalaga at pagkalinga na may mas mataas na panganib, at pinagtatrabahuhang may malaking densidad ay nagpabilis ng pagkalat ng sakit.

Pang-apat, ang di-kinilalang transmisyon ay gumanap ng masusing papel sa pagsisimula at pagbilis ng pagkalat ng virus sa Amerika, kung saan hindi napuna ang mga kaso.

Para sa mga detalye, narito po ang weblink ng naturang ulat:

https://www.cdc.gov/mmwr/volumes/69/wr/mm6918e2.htm

Salin: Jade

Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>