Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

WHO: Coronavirus, hindi gawa ng tao matapos pag-aralan ang 15,000 gene sequence ng virus

(GMT+08:00) 2020-05-05 11:16:52       CRI

Si Maria Van Kerkhove, Technical Lead ng WHO Health Emergencies Programme

Bilang tugon sa pananalita nina Pangulong Donald Trump at Kalihim ng Estado Mike Pompeo ng Amerika na ang coronavirus di umano ay nagmula sa Wuhan Institute of Virology ng Chinese Academy of Sciences (CAS), sa isang regular na news briefing na idinaos nitong Biyernes, Mayo 4, 2020 (local time) ng World Health Organization (WHO), ipinahayag ni Maria Van Kerkhove, Technical Lead ng WHO Health Emergencies Programme, na karaniwang kumakalat ang coronavirus sa pagitan ng mga paniki. Aniya, sa nagyon, halos 15,000 kumpletong gene sequence ng virus ay nagpapakitang hindi ito nilikha ng tao.

Si Michael Ryan, Executive Director ng WHO Health Emergencies Programme

Ipinahayag naman ni Michael Ryan, Executive Director ng WHO Health Emergencies Programme, na hindi pa natatanggap ng WHO ang anumang kaukulang ebidensya mula sa panig Amerikano para patunayang ang virus ay nagmula sa nasabing laboratoryo. Aniya, batay sa gene sequence ng virus at lahat ng mungkahing natanggap ng WHO, pareho silang nagpapakitang ang virus ay nagmula sa kalikasan.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>