Kinakaharap ng kabuhayang pandaigdig ang pinakamalubhang recession mula noong World War II, ayon sa "World Economic Prospects" na inilabas Hunyo 8, 2020 ng World Bank.
Ayon sa ulat, dahil sa epidemiya ng COVID-19, bababa nang 5.2% ang kabuhayang pandaigdig sa 2020. Malubhang maaapektuhan ang pangangailangang panloob, kalakalan at pinansyo. Ayon pa sa pagtaya, bababa nang 7% ang kabuhayan ng mga maunlad na ekonomiya sa 2020.
Tinaya din sa ulat na bababa ng 2.5% ang kabuhayan sa mga bansa na may bagong pamilihan at umuunlad na ekonomiya. Bababa ng 3.6% ang karaniwang suweldo, na magdudulot ng kahirapan ng ilang milyong populasyon.
Malubhang maaapektuhan ang mga bansa na nakaranas ng pinakamalubhang epidemiya ng COVID-19, at aasa sa pandaigdigang kabuhayan, industriya ng turismo, pagluluwas ng paninda at pananalaping panlabas.
Salin:Sarah