|
||||||||
|
||
Inilabas nitong Martes, Hunyo 23, 2020 ng World Trade Organization (WTO) ang pinakahuling pagtaya sa kalakalan.
Ipinakikita ng datos na noong unang kuwarter, bumaba ng 3% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon ang kalakalan ng paninda ng buong mundo.
Bukod dito, tinayang bababa ng halos 18.5% ang nasabing datos sa ika-2 kuwarter ng taong ito.
Sa kabilang dako, napahupa ng mabilis na reaksyon ng mga pamahalaan ang pagliit ng kalakalan.
Kung aabot sa 2.5% ang paglago ng kalakalan sa darating na mga kuwarter, maisasakatuparan ang medyo optimistikong ekspektasyon, ibig sabihin, bababa ng 13% ang kalakalan sa buong taon.
Samantala, nagbabala rin ang WTO na sa darating na 2 taon, mananatiling walang-katiyakan ang prospek ng kabuhayang pandaigdig.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |