|
||||||||
|
||
Inilabas Martes, Hulyo 14, 2020 ng China Society for Human Rights Studies (CSHRS) ang artikulong pinamagatang "Agwat sa Pagitan ng Mahihirap at Mayayaman, Humantong sa Palala nang Palalang Kalagayan ng Karapatang Pantao sa Amerika."
Ibinunyag ng nasabing artikulo ang katotohanang naikukubli ng kabuuang kasaganaan ng bansa, na lumalala ang agwat sa pagitan ng mahihirap at mayayaman. Anang artikulo, ang pagsidhi ng ganitong agwat ay nauwi sa di-pantay na kabuhayan sa lipunang Amerikano, ang mga mamamayan sa mababang lebel ng lipunan ay nasasadlak sa mas mahirap na situwasyon sa buhay, at unti-unting nagiging kapansin-pansin ang isyu ng karapatang pantao.
Ayon sa ulat ng Special Rapporteur on Extreme Poverty and Human Rights for the United Nations (UN), pinakamalala sa mga bansang kanluranin ang kalagayan ng agwat sa pagitan ng mahihirap at mayayaman sa Amerika.
Tinukoy ng artikulo na ipinapagwalang-bahala ng umano'y sistemang demokratiko ng Amerika ang karapatan ng mga mamamayan sa kabuhayan, lipunan at kultura, bagay na nagbunga ng lumalaking agwat ng mahihirap at mayayaman sa lipunan. Sa halip ng mithiing pulitikal sa pagbibigay-lunas sa naturang problema, isinasagawa ng pamahalaang Amerikano ang isang serye ng mga patakaran at hakbanging nagpapasidhi ng problema. Ito ay may mahigpit na kaugnayan sa kapakanang kapital na kinakatawan ng sistemang pulitikal at pamahalaan ng Amerika.
Palagay ng artikulo, ang agwat ng mahihirap at mayayaman sa Amerika ay isang pangmalayuang tunguhin, at walang substansyal na pagbabago sa ganitong kalagayan sa maikling panahon, kaya magiging mas masama ang matinding negatibong epekto nito sa pagtatamasa at pagsasakatuparan ng mga mamamayang Amerikano ng karapatang pantao.
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |