Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, buong lakas na patitibayin at palalawakin ang hanap-buhay

(GMT+08:00) 2020-07-16 18:24:56       CRI

Sa news briefing Huwebes, Hulyo 16, 2020, sinabi ni Liu Aihua, Tagapagsalita ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, na lumitaw ang positibong pagbabago sa kalagayan ng hanap-buhay ng bansa noong unang hati ng taong ito, pero dahil sa epekto ng pandemiya ng COVID-19, medyo malaki ang presyur sa hanap-buhay sa kasalukuyang taon.

Isinalaysay ni Liu na noong unang hati ng taong ito, mas kaunti ng 1.73 milyon ang mga taong nakahanap ng trabaho sa mga lunsod at nayon kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.

Noong ika-2 kuwarter, lumiit naman ng 4.96 milyon ang bilang ng mga rural laborer na nagtutungo sa mga lunsod, at ito ay bumaba ng 2.7% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon.

Naitala naman sa taong ito ang mas mataas na unemployment rate ng mga bagong gradweyt mula sa unibersidad kumpara noong nakaraang taon.

Dagdag ni Liu, ibayo pang patatatagin at palalawakin ng bansa ang hanap-buhay, sa pamamagitan ng lahat ng paraan.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>