Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina at Saudi Arabia, ipinagdiriwang ang Ika-30 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Relasyong Diplomatiko

(GMT+08:00) 2020-07-22 17:26:46       CRI

Pangulong Xi Jinping ng Tsina (File Photo)

Ipinadala nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Haring Salaman bin Abdulaziz Al Saud ng Saudi Arabia ang mensaheng pambati sa isa't isa kamakailan kaugnay ng pagdiriwang sa Ika-30 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng relasyong Diplomatiko ng Tsina at Saudi Arabia.

Tinukoy ni Xi na nitong 30 taong nakalipas sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Saudi Arabia, matatag ang pag-unlad ng dalawang bansa, at natamo ang maraming bunga sa iba't ibang larangan. Lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang pag-unlad ng relasyon ng dalwang bansa. Nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Saudi Arabia, para pasulungin ang pag-uugnay ng Belt at Road Initiative at Vision 2030 ng Saudi Arabia, para magkakasamang pamunuan ang relasyon ng dalawang bansa na walang humpay na natatamo ang bagong bunga.

Ipinahayag ni Salaman na nitong 30 taong nakalipas sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Saudi Arabia, malaki ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan. Nakahanda ang Saudi Arabia na patuloy na pasulungin ang walang humpay na pag-unlad ng relasyong ito upang magdulot ng benepisyo para sa mga mamamayan ng dalawang bansa. Nakahanda ang Saudi Arabia na magsikap, kasama ng Tsina, para labanan ang epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). Inaasahan ng Saudi Arabia na isagawa ang mas maraming pakikipagkooperasyon sa Tsina para pasulungin ang kaligtasan at katatagan ng rehiyong at daigdig.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>