Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Paninirang-puri ang bintang ng Amerika sa Konsulado Heneral ng Tsina sa Houston

(GMT+08:00) 2020-07-28 16:57:40       CRI

Walang anumang batayan ang bintang ng ilang opisyal na Amerikano hinggil sa Konsulado Heneral ng Tsina sa Houston, ang mga ito ay ganap na paninirang-puri. Ipinahayag ito Hulyo 27, 2020, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa regular na preskon sa Beijing.

Nang kapanayamin Hulyo 24, sinabi ng ilang mataas na opisyal mula sa Konseho ng Estado, Departamento ng Hustisya at Departamento ng Impormasyon ng Amerika, na matagal nang ginagawa ng Konsulado Heneral ng Tsina sa Houston ang ilegal na mga gawain na kinabibilang ng pagnanakaw ng mga sekretong pangkalakalan at pang-iispya.

Hinggil dito, sinabi ni Wang na ang Konsulado Heneral ng Tsina sa Houston ay unang konsuladong binuksan ng Tsina sa Amerika pagkatapos ng pagkakatatag ng diplomatikong relasyon ng dalawang bansa. Nitong 41 taong nakalipas, walang humpay na nagsisikap ang nasabing kunsulado para pasulungin ang paguunawaan at pagtutulungan ng iba't ibang sirkulo ng Tsina at Amerika. Ibinigay nito ang ambag sa pagkakaibigan ng Tsina at Amerika, at tinanggap nito ang lubos na papuri mula sa iba't ibang sirkulo ng lipunan sa katimugan ng Amerika.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>