Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Western media, magkakasunod na bumatikos sa talumpati ni Pompeo

(GMT+08:00) 2020-07-28 15:50:19       CRI

Noong isang linggo, walang pag-aalinlangang bumigkas si Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, ng talumpati kontra Tsina. Aniya, nabigo ang patakaran ng Amerika sa pakikipag-ugnayan sa Tsina, at binalak na ilagay ang relasyong Sino-Amerikano sa deadlock, batay sa kaisipan ng "new cold war."

Magkakasunod na kinondena ng mga media, dalubhasa at iskolar na kanluranin ang mga pulitikong tulad ni Pompeo, at hindi tinanggap ng umiiral na opinyong publiko ng daigdig ang ideya ng umano'y "new cold war."

Nitong Linggo, Hulyo 26, 2020, tinukoy ng ulat ng Consumer News and Business Channel o CNBC ng Amerika na nagiging mas radikal ang patakaran ng pamahalaan ni Donald Trump sa Tsina. Anang ulat, dahil sa unilateral na probokasyon ng Amerika, napakamapanganib ng sumisidhing girian sa pagitan ng dalawang pinakamalaking ekonomiya sa daigdig.

Sa tingin naman ng Los Angeles Times, ang talumpati ni Pompeo ay nagbunga ng malaking pagbabago sa relasyong Amerikano-Sino. Buong pagkakaisang ipinalalagay ng mga iskolar na nag-aaral ng relasyong Sino-Amerikano na may intensyon ang pamahalaan ni Trump sa paglulunsad ng isang "new cold war." Anila, mapanganib ang ganitong kilos, at posibleng humantong ito sa sagupaan.

Ipinalalagay naman ng pahayagang Financial Times ng Britanya na ang talumpati ni Pompeo ay parang isang campaign speech. Anito, mas lumilitaw ang personal na opinyon ni Pompeo, at paunti nang paunti ang kanyang pagiging patas.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>