|
||||||||
|
||
Si Donlad Trump, Pangulo ng Amerika. Photo/AP
Ipinalagay ng 8 sa bawat 10 Amerikano na papunta ang kanilang bansa sa maling direksyon. Ito ay ayon sa resulta ng poll na inilabasnitong Hulyo 26 ng National Opinion Research Center (NORC) ng University of Chicago at Associated Press ng Amerika.
Photo/AP
Mas mataas ang data na ito kaysa anumang panahon sapul nang nanungkulan ni Donald Trump bilang Pangulong Amerika. Lubos itong nagpakita ng di-kasiyasiyang pananaw ng mga Amerikano sa pag-unlad ng kanilang bansa.
Ipinakita rin ng poll na bumaba ang approval rating ng mga mamamayang Amerikano sa paghawak ng Pamahalaan ni Trump sa paglaban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) , 32% na Amerikano lang na sumusuporta sa hakbangin ni Trump.
Photo/AP
38% naman ng mga respondents ang sumusuporta sa trabaho ni Trump bilang Pangulo ng Amerika.
Photo/AP
Sa isang banda, dinaranas ng pamahalaan ni Trump ang dalawang malaking problema: ang pagbabawa ng suportang pulitikal at ang pagtaas ng kaso ng mga positibo sa COVID-19.
Hanggang Hulyo 28 (Beijing Time), umabot sa mahigit 4.29 milyon ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Amerika at mahigit 148 libo ang namatay, ayon sa pinakahuling estadistika ng Johns Hopkins University.
Photo/AP
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |