Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ika-23 SIFF, ipininid; mahigit 160,000 person-time, kabuuang bilang ng mga manonood

(GMT+08:00) 2020-08-03 16:37:17       CRI

Ipininid nitong Linggo, Agosto 2, 2020 ang ika-23 Shanghai International Film Festival (SIFF).

Ang SIFF ay siyang tanging Category A international film festival, o competitive feature film festival sa Tsina, at tumagal nang 9 araw ang kasalukuyang pestibal.

Samantala, ang lahat ng mga ticket ng SIFF sa kasalukuyang taon ay ibinenta sa pamamagitan ng online platform.

Mahigit 320 pelikulang Tsino't dayuhan ang itinanghal sa 29 na nakatakdang sinehan sa Shanghai.

Sa kauna-unahang pagkakataon, ang mga pelikulang ito ay itinanghal sa iba't ibang platapormang gaya ng sinehan, open air projection at online.

Mahigit 160,000 person-time na manonood ang nag-enjoy sa panonood ng mga ito.

Isinali rin sa open air projection ang mga bagong pelikula ng ilang bansa sa kahabaan ng Belt and Road.

Kaugnay nito, mataas na pagtasa ang ibinigay ni Olivier Assayas, kilalang direktor ng Pransya, sa serye ng mga bagong hakbangin ng tagapagtaguyod ng SIFF.

Aniya, ang taon 2020 ay espesyal na taon para sa lahat ng mga personahe sa sirkulo ng pelikula.

Ang pagdaraos ng SIFF ay simbolo ng pag-asa, dagdag pa niya.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>