Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

2.2 trilyon yuan RMB, kabuuang halaga ng kalakalan ng serbisyo ng Tsina sa unang hati ng 2020; idaraos sa Setyembre sa Beijing ang 2020 CIFTIS

(GMT+08:00) 2020-08-05 16:40:51       CRI
Ayon sa pinakahuling estadistika na isinapubliko nitong Agosto 4, 2020 ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, umabot sa 2.2 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng kalakalan ng serbisyo ng Tsina noong unang hati ng taong ito, na bumaba ng 14.7% kumpara sa gayon din panahon ng tinalikdang taon. Ang pangunahing dahilan nito ay epekto ng epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Pero, sa background ng pagbaba nang malaki ng kalakalan ng serbisyo ng buong daigdig, matatag ang tunguhin ng kalakalan ng serbisyo ng Tsina sa kabuuan nitong ilang buwang nakalipas. Sa larangang ito, mas mabuti ang pagluluwas kaysa pag-aangkat.

Bukod dito, idaraos Setyembre 2020, dito sa Beijing, ang 2020 China International Fair For Trade In Services (CIFTIS), sa kapuwang online at offline modes. Ang tema ng 2020 CIFTIS ay "Global Services Shared Prosperity". Idaraos sa 2020 CIFTIS ang 7 uri na aktibidad na may kinalaman sa iba't ibang larangan ng kalakalan ng serbisyo.

Hanggang sa kasalukuyan, matagumpay na idinaos ang 6 na CIFTIS sa Beijing, na naging mahalagang plataporma ng pagpapalitan ng kooperasyon ng kalakalan ng serbisyo ng Tsina at daigdig.

Hanggang Agosto 3, 2020, 898 na kompanya at organo ang inisyal na kumpirmadong lalahok sa online na 2020 CIFTIS. Umabot naman sa 1,217 ang mga negosyong lalahok nang offline sa 2020 CIFTIS.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>