Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, muling hinimok ang Kanada na agarang palayain si Meng Wanzhou

(GMT+08:00) 2020-08-18 15:32:19       CRI

Muling hinimok nitong Lunes, Agosto 17, 2020 ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang panig Kanadyano na mataimtim na pakitunguhan ang solemnang paninindigan at pagkabahala ng panig Tsino sa kaso ni Meng Wanzhou, Chief Financial Officer (CFO) ng Huawei Technologies Co. Ltd, agarang palayain si Meng, at pabalikin siya sa Tsina nang mapayapa.

Ayon sa mga isinapublikong impormasyon hanggang ngayon, sa proseso ng pagpaplano at pagsasagawa ng pag-aresto kay Meng, ang mga awtoridad ng batas ng Kanada ay pinaghihinalaang lumabag sa regulasyon at nagmalabis sa mga prosedyur. Ang mga aksyong ito ay kinabibilangan ng pakikipagsabwatan sa Federal Bureau of Investigation (FBI) sa pag-aaresto kay Meng, tikis na pagpigil sa Vancouver International Airport, pagsasagawa ng ilegal na paghahanap at pag-iimbestiga kay Meng at iba pa.

Paninindigan ng grupo ng mga abugado ni Meng na dapat ilabas ng hukuman ng Kadana ang mas maraming ebidensyang may kinalaman sa kasong ito.

Kaugnay nito, saad ni Zhao, palagi at malinaw ang paninindigan ng panig Tsino sa kaso ni Meng Wanzhou. Ang mga inilantad na ebidensya ay lubos na nagpapatunay na nagmalabis ang Amerika at Kanada sa bilateral extradition treaty, at isinagawa ang mga sapilitang hakbangin sa mamamayang Tsino, bagay na malubhang lumalapastangan sa lehitimong karapatan at kapakanan ng mamamayang Tsino.

Diin niya, buong tatag ang determinasyon ng pamahalaang Tsino sa pangangalaga sa lehitimong karapatan at kapakanan ng mga mamamayan at kompanyang Tsino. Samantala, kinakatigan din nito ang pangangalaga ng mga kaukulang bahay-kalakal at indibiduwal sa sariling karapatan at kapakanan, sa pamamagitan ng batas.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>