Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CMG Komentaryo: sikreto ng "kagila-gilalas na pag-unlad ng Shenzhen"

(GMT+08:00) 2020-08-27 16:24:11       CRI

Ang Agosto, 26, ay Ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng Espesyal na Sonang Ekonomiko ng Shenzhen.

Mula isang maralita at maliit na nayon, sa kasalukuyang masiglang internasyonal na lunsod; mula sa Gross Domestic Product (GDP) na mas mababa sa 200 milyong yuan RMB, sa kasalukyang 2.7 trilyong yuan RMB - iyan ang lunsod ng Shenzhen, lalawigang Guangdong, sa dakong timogsilangan ng Tsina.

Tulad ng komentaryo ng "The Economist", propesyonal na magasing pang-ekonomiya ng Britanya, "Ang tagumpay ng Shenzhen ay modelo ng pagsulong ng mahigit 4,000 espesyal na sonang pang-ekonomiko sa buong daigdig. "

Ano ang lihim ng pag-unlad ng Shenzhen?

Ang patakaran ng Tsina sa reporma at pagbubukas sa daigdig ay ang simula ng "pag-usbong ng Shenzhen."

Nitong nakaraang 40 taon, itinatag ng Shenzhen ang pundamental na framework ng socialist market economy system, na nagdulot ng pagkalat ng market economy sa buong Tsina.

Dagdag pa riyan, nagsilbi rin bilang lakas-panulak sa pag-unlad ng lunsod ang inobasyon sa siyensiya at teknolohiya.

Noong 2000, maagang isinakatuparan ng Shenzhen ang pagbabago ng industriya na nagpabuti sa larangan ng kalakalan at industriya ng high-tech.

Sa kasalukuyan, naitayo na sa lunsod ang mahigit 46 libong 5G base station, na nasa unang puwesto sa buong daigdig.

Bukod dito, nitong 40 taong nakalipas, palagiang isinusulong ng Shenzhen ang bukas na pakikitungo, na nagdulot ng pagkakataon para sa pag-unlad ng buong daigdig.

Nasa unang puwesto sa buong Tsina ang kabuuang halaga ng pagluluwas at pag-aangkat sa Shenzhen mula noong 1993.

Sa ibayong dagat, tinutularan ng ibang mga bansa ang matagumpay na karanasan ng Shenzhen, na tulad ng Espesyal na Sonang Ekonomiko ng Sihanoukville sa Myanmar, Espesyal na Sonang Ekonomiko ng Bagamoyo ng Tanzania at iba pa.

Kasabay ng pagsalimuotng kalagayang pandaigdig dahil sa pandemiya ng Corona Vorus Disease 2019 (COVID-19); dumami rin ang mga elemento ng kawalang katatagan, pero, sa kabila nito, walang humpay na nagsikap ang Shenzhen, para lumikha ng bagong himala ng pag-unlad, at magdulot ng mas maraming pagkakataon para sa buong daigdig.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>