Ayon sa pinakahuling datos na isinapubliko nitong Biyernes, Setyembre 18, 2020 ng World Health Organization (WHO), lumampas na sa 30 milyon ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.
Ayon sa datos, nasa unang tatlong puwesto ang Amerika (6,571,119), India (5,214,677) at Brazil (4,419,083) sa talaan ng kumpirmadong kaso ng pandemiya.
Kabilang sa mga iba pang bansang may malaking bilang ng kumpirmadong kaso ay ang Rusya, Peru, Columbia, Mexico, Timog Aprika, Espanya, Argentina, at iba pa.
Salin: Lito