Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-33 2013

(GMT+08:00) 2013-08-21 14:32:26       CRI

August 18, 2013 (Sunday)

Magandang-magandang gabi at welcome sa Gabi ng Musika atbp.

Kumusta na? Okay lang ba kayo riyan? Sana okay, ha? At kung hindi man dahil may problema, labanan ang problema. Huwag na huwag kayong magpapatalo sa problema. Kayang-kaya ninyo iyan.

Salamat kina Jopeth ng Malabon, Metro Manila; Vic ng DLSU Dasmarinas; Joselito ng Kamias Road, Quezon City; Rod ng Sta. Cruz, Zambales; at Merry Jeanne ng Carmona, Cavite. Babasahin ko ang inyong text messages maya-maya.

Mayroon daw milyonaryong personality na inuuto ng kung sinu-sino at bigay naman nang bigay. Abangan ang Balitang Artista sa huling bahagi ng ating programa.

Tunghayan natin ang ilang piling mensahe.

Smart Gilas, Tsampiyon sa Puso ng mga Tagahanga

Sabi ni Super DJ Happy ng Sta. Ana, Manila: "Wala akong masabi sa Gilas Pilipinas. They are really a team to reckon with. Maganda ang performance nila laban sa South Korea at sa Spain. Kahit natalo sila sa Spain, panalo pa rin sila sa puso ng kanilang mga tagahanga."

Sabi naman ni Bernie Brown ng Paco, Manila: "Kailangang dagdagan natin ang ating pagsisikap para malutas ang issue ng South China Sea sa paraang diplomatiko. Wala tayong mahihita sa pagtatapang-tapangan."

Sabi naman ni Merry Jeanne ng Carmona, Cavite: "Basta sama-sama tayong magdasal para sa kapayapaan. Huwag tayong hihinto. Diringgin tayo ni Lord."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensahe.

THE ONE FOR ME
(LUO ZHIXIANG)

Narinig ninyo si Luo Zhixiang sa kanyang awiting "The One for Me," na lifted sa collective album na pinamagatang "You Can Listen and Sing with Us."

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

TAWA NA

Tunghayan naman natin ang mga SMS na natanggap namin nitong nagdaang linggo.

Sabi ni Jopeth ng Malabon, Metro Manila: "Meron akong maliit na negosyo, Kuya Ramon. Ayos na sa akin ito kasi nabubuhay ko naman nang maayos pamilya ko. Simple lang buhay ko."

Sabi naman ni Vic ng DLSU Dasmarinas: "Maganda naman performance ng Smart Gilas. Kulang lang sila sa height. Wala silang mataas na sentro. Binabati ko sila sa kanilang magandang ipinakita sa FIBA."

Sabi naman ni Joselito ng Kamias Road, Quezon City: "Sana nga matuloy na peace talks ng Israel at Palestine. Matagal na rin ang kaguluhan sa region na iyon."

V-22 Osprey

Sabi naman ni Rod ng Sta. Cruz, Zambales: "Hindi mo masisisi ang mga taga-Okinawa kung tutulan nila ang deployment ng V-22 Osprey sa kanilang lugar. Ayaw rin siyempre nila ng gulo."

Bagyong Labuyo, Grabe Dating

Sabi naman ni Merry Jeanne ng Carmona, Cavite: "Sana naman maipagawa kaagad ng mga biktima ng bagyong Labuyo ang mga bahay nila. Grabe dating ng bagyong ito. Talagang ang laki ng damage."

Maraming-maraming salamat sa inyong text messages.

SUPERSTAR
(CARPENTERS)

Carpenters sa kanilang awiting "Superstar," na buhat sa kanilang album na pinamagatang "Carpenters' Greatest Hits."

Mukhang reding-ready na ang reporter natin sa Maynila sa kanyang latest chika. Okay, Super DJ happy, pasok!

Salamat, Super DJ!

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.

Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless.

Balik sa aking blog>>

May Kinalamang Balita
gnm
v Gabi ng Musika ika-32 2013 2013-08-15 16:58:28
v Gabi ng Musika ika-31 2013 2013-08-09 15:00:13
v Gabi ng Musika ika-30 2013 2013-08-01 16:22:25
v Gabi ng Musika ika-29 2013 2013-07-26 16:56:01
v Gabi ng Musika ika-28 2013 2013-07-19 18:24:52
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>