Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Makakapagod na Pambansang Bakasyon sa Tsina

(GMT+08:00) 2013-10-14 14:59:02       CRI

Kung tatanungin mo ang mga Tsino kung ano ang masasabi nila hinggil sa katatapos na 7 araw na Pambansang Bakasyon, bukod sa maligayang biyahe, at salu-salo kasama ng pamilya at mga kaibigan, ang isasagot ng karamihan ay "pagod na pagod sila."

Bakit ganoon? Una, punong puno ng mga tao ang iba't ibang lugar panturista noong katatapos na bakasyon, at masikip ang trapiko papunta sa nasabing mga lugar. Ayon sa datos, ang bilang ng mga biyaherong Tsino sa loob ng bansa noong nagdaang Pambansang Bakasyon ay umabot sa 428 milyong person-time. Dahil dito, hindi lubos na ma-eenjoy ng mga turista ang kanilang pamamasyal at dapat silang gumugol ng napakaraming enerhiya at oras sa biyahe.

Bukod dito, pagkatapos ng bakasyon, dapat pumasok na muli sa opisina ang mga Tsino noong Sabado. Ito kasing 7-araw na Pambansang Bakasyon ay binubuo ng 3 araw na opisyal na bakasyon at 4 araw na bakasyon kung saan inilipat ang dalawang Sabado at Linggo. Ibig-sabihin, kung tuluy-tuloy na magbabakasyon ang mga Tsino sa buong Pambansang Bakasyon, dapat silang magtrabaho sa mga Sabado at Linggo para isauli ang naturang mga inilipat na araw ng pahinga.

Kaya, hindi maraming mamamayang Tsino ang hindi natutuwa sa ginawang pagsasaayos ng pamahalaang sentral sa Pambansang Bakasyon.

Ayon sa isang public opinion poll na isinagawa kamakailan ng Pambansang Opisina ng Bakasyon sa 6 na kilalang website ng Tsina na gaya ng Sina, Pheonix, Xinhua, Tencent, Sohu, at People, mahigit 60% ng mahigit 2 milyong respondent ay hindi nasiyahan sa kasalukuyang pagsasaayos sa Pambansang Bakasyon.

Ayon sa naturang imbestigasyon, ayaw ng karamihan sa mga kalahok na pumasok sa opisina sa Sabado at Linggo pagkatapos ng bakasyon, ito kasi ang nagpapagulo sa normal na paggawa at pahinga. Bukod dito, ang tuluy-tuloy na pagtatrabaho ay magresresulta sa lubusang pagkapagod ng mga tao.

Sa katotohanan, para sa isang bansa na may mahigit 1.3 bilyong populasyon, palagiang napakaraming Tsino sa mga lugar-panturista, lalo na kung bakasyon. Ang kalagayang ito ay hindi kayang mapahupa sa lalong madaling panahon.

Pero sa kabilang dako, ang 7 araw na Pambansang Bakasyon ay isa lamang sa dalawang mabahang bakasyon sa Tsina liban sa Spring Festival. At dahil ang mga bayad na bakasyon ay hindi lubusang ginagamit sa mga maliit at pribadong bahay-kalakal, kaya ang Pambansang Bakasyon ay ang tanging pagpipilian ng mga Tsino upang maglakbay.

Walang duda, parami nang paraming Tsino ang pinipiling maglakbay sa mga bakasyon dahil sa pagbuti ng kanilang pamumuhay. Kasabay nito, ang damdamin nila sa bakasyon at serbisyo ng mga lugar panturista ay naging mahalagang bagay na isinasaalang-alang ng mga Tsino. Ibig-sabihin, kung masama ang kanilang karanasan sa isang lugar-panturista, siguro hindi na nila ito pupuntahan muli.

Ang nasabing kalagayan ay nakakaapekto sa paglaki ng kabuhayan ng turismo. Sa katatapos na pambansang bakasyon, ang kabuuang kita ng turismo ay umabot sa 223.3 bilyong yuan RMB o halos 36.5 bilyong Dolyres. Ito ay lumaki ng 6.1% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon. Pero ang bahagdan ng paglaki nito ay bumaba ng halos 20% kumpara sa nagdaang taong 2012.

Ang kabuhayang Tsino ay hindi lamang umaasa sa industriya ng turismo. Pero ang turismo ay katumbas ng halaga ng ika-3 industriya na gumaganap ng pangunahing papel sa pambansang kabuhayan.

Bukod dito, ang kasalukuyang isyu sa kabuhayan ng turismo sa bakasyon ay nagpapakita ng mga problema sa pag-unlad ng lipunang Tsino na gaya ng pagsasaayos sa mga bakasyon, pag-unlad ng transportasyon, at mga serbisyong pampubliko. Ito rin ay may kinalaman sa mga gawain ng pamahalaang Tsino.

Ang pagpili ng mga mamamayang Tsino sa paglalakbay ay nabibilang sa kanilang kalayaan, pero ang pagkakaloob ng mainam na serbisyo para sa kanilang paglalakbay sa loob ng bansa ay may kinalaman sa gawain ng mga pamahalaan sa iba't ibang antas.

Back To Ernest's Blog

May Kinalamang Balita
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>