Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-51 2013

(GMT+08:00) 2014-01-02 16:42:55       CRI

December 22, 2013 (Sunday)

Magandang gabi at welcome sa Gabi ng Musika atbp.

Quote for the day: "Joy is a prayer / Joy is strength / Joy is love / Joy is a net of love by which you can catch souls."--Mother Teresa

Maligayang Pasko sa Lahat!

Tatlong tulog na lang Pasko na. Maligayang Pasko sa inyong lahat. Kumusta ba ang paghahanda natin diyan para sa Pasko? Naka-set up na ba ang inyong mga Christmas décor? Nakapamili na ba kayo? Handa na ba kayong humarap sa inyong mga inaanak? In the spirit of Christmas, kalimutan muna natin ang mga proble-problema. Isaisantabi muna natin ang mga iyan. Huwag kayong mag-alala at malulutas din ang mga problema na iyan.

Salamat sa lahat ng mga pangunahing tagapagtaguyod ng Serbisyo Filipino, lalung- lalo na kina Poska ng poskadot610@hotmail.com; Dr. George ng george_medina56@yahoo.com; Ebeth ng mistyeyed119@ymail.com; Manny ng many_feria@yahoo.com; Manuela ng manuelakierrulf@ymail.com; Carol ng carolnene.edwards@gmail.com; Let Let ng paulette_anne@yahoo.com; at Elisa ng elisabornhauser@leunet.ch.

Sabi ni Mel San Juan ng Ermita, Manila: "Kuya Ramon, ang Serbisyo Filipino ay hindi lang gumaganap ng papel bilang tulay ng pagkakaibigan ng mga Pilipino at mga Tsino. Ito ay isa ring tunay na serbisyo publiko na nagtataguyod ng kapakanan ng lahat ng mga mamamayan sa buong mundo."

Sabi naman ni Merry Jeanne ng Carmona, Cavite: "Sa ating pagsisimbang-gabi, alalahanin natin ang mga kumakalam ang sikmura, ang mga biktima ng likas na kapahamakan at mga biktima ng karahasan. Alalahanin din natin iyong mga maysakit, mga bilanggo, mga nauuhaw at mga nanginginig sa ginaw."

Sabi naman ni Maricar Mendoza ng Cebu City, Cebu, Philippines: "Kuya Ramon, gusto kitang batiin sa sumusunod na mga pananalita ni Helen Keller: "The best and most beautiful things in the world cannot be seen or even touched. They must be felt with the heart. Wishing you happiness."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensahe at maligayang Pasko sa inyong lahat. Sa totoo lang, I was deeply touched by your words.

Abangan ang Balitang Artista sa huling bahagi ng ating programa.

EIGHT DAYS OF CHRISTMAS
(DESTINY'S CHILD)

Narinig ninyo ang Destiny's Child sa kanilang sariling version ng awiting "Eight Days of Christmas." Ang track na iyan ay lifted sa album na may katulad na pamagat.

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

Bigyang-daan naman natin ang ilang text messages.

Sabi ni Ara Mae ng Kahilom 2, Pandacan, Manila: "Hi, Kuya! Sabi nila `Give love on Christmas Day.' As for me naman, ke Pasko, ke hindi, dapat mahalin ang kapuwa at dapat magmahalan."

Sabi naman ni Pat Cusi ng Atimonan, Quezon: "Sana makatanggap ka ng marami pang blessings kay Lord ngayong Kapaskuhan. Iyan ang wish ko para sa iyo ngayong Yuletide."

Parol

Sabi naman ni Jennifer ng Shunyi, Beijing, China: "Sa tingin ko ang parol ang masasabi nating local symbol ng Christmas. Parang wala pa akong nakita o narinig na ganito sa ibang bansa. Ang parol ay gawa rin sa local materials."

Sabi naman ni Rolly ng Guadalupe, Makati City: "Malaki ang paniwala ko na ang solusyo sa problema ng Thailand ay ang pagdaraos ng eleksiyon. Sana naman maging fair ang eleksiyon at sana tanggapin ng lahat ang result."

Chinese Rover Lumapag sa Buwan

Sabi naman ni Buddy Boy Basilio ng M/V Aldavaran Singapore: "Ipinaaabot ko bati ko sa China sa matagumpay na pagpapalapag nito ng rover sa buwan. Ito ay isa na namang giant leap for mankind."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.

HAVE YOURSELF A MERRY LITTLE CHRISTMAS
(CHRISTINA AGUILERA)

Christina Aguilera, sa kanyang awiting "Have Yourself a Merry Little Christmas." Ang track na iyan ay hango sa album na pinamagatang "Nobody Wants To Be Lonely."

Ngayon, bigyang-daan naman natin ang latest chika mula sa ating reporter sa Maynila. Super DJ Happy, pasok!

Salamat, Super DJ.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.

Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless.

Balik sa aking blog>>

May Kinalamang Balita
gnm
v Gabi ng Musika ika-50 2013 2013-12-24 16:33:53
v Gabi ng Musika ika-49 2013 2013-12-20 15:35:26
v Gabi ng Musika ika-47 2013 2013-12-09 15:12:34
v Gabi ng Musika ika-46 2013 2013-11-29 15:06:31
v Gabi ng Musika ika-41 2013 2013-10-18 17:10:48
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>