Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-19 2014

(GMT+08:00) 2014-06-13 10:06:35       CRI

May 18, 2014 (Sunday)

 


Quote for the day: "Love is the only force capable of transforming an enemy into friend."—Martin Luther King, Jr.

Kumusta na? Okay lang ba kayo riyan? Sana walang problema, ha? At kung mayroon man, labanan ang problema. Huwag na huwag kayong pagugupo sa problema dahil kayang-kaya ninyong igupo iyan kung gugustuhin ninyo. Sabi nga ng mga makaranasang tao, "Kung may problema, may solusyon." Kaya, cool lang kayo. Cool, men, cool.

Bukod sa mga piling awitin, tampok din sa programa ngayong gabi ang mga SMS, e-mail at snail mail mula sa mga tagapakinig at ang pinananabikan ng marami na pagluluto ng isang Chinese recipe. Kaya huwag kayong aalis sa tabi ng inyong mga radyo at samahan ninyo ang inyong loving DJ sa susunod na dalawampung minuto dito sa Gabi ng Musika atbp.

Tunghayan natin ang ilang piling mensahe.

Sabi ni Cindy ng Bajac-Bajac, Olongapo City: "Salamat sa pagtuturo ninyo ng pagluluto. Marami na rin akong natutuhang lutuing Chinese at ang pinakahuli ay iyong Ginisang Sitsaro na hindi gisado sa bawang. Sana tumagal pa sa air ang programang ito."

Sabi naman ni April ng Shuny, Beijing, China: "Binabati ko kayo sa paglulunsad ninyo ng programang `Selebrasyon ng Pagkakaibigan.' Ito ay may kinalaman sa sa Filipino-Chinese Friendship Day. Samantalahin natin ang okasyong ito para ibalik sa dating init ang pagkakaibigan ng mga Pilipino at mga Chinese."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensahe.

KNOCKIN' ON HEAVEN'S DOOR

(AVRIL LAVIGNE)

Narinig ninyo ang ating pambungad na bilang, "Knockin' on Heaven's Door," na inihatid sa ating masayang pakikinig ni Avril Lavigne. Ang track na iyan ay lifted sa album na pinamagatang "My World."

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

Tunghayan natin ang ilang text messages.

Sabi ng +63 919 648 1939: "Huwag tayong magkakamali, mga abay…Every day is Mother's Day. We should honor them 365 days a year and not once a year. Malaki ang hirap nila sa atin mula sa panganganak hanggang sa pagpapalaki."

Sabi naman ng +63 921 378 1478: "Ang mommy ko ang nagturo sa akin ng mga gawaing-bahay. Siya rin ang nagturo sa aking magluto. Happy Mother's Day, Mom! Wala kang katulad sa mundo."

Sabi naman ng +86 135 202 34755: "Meron na kaming podcast. Puwede na kaming makinig sa inyong mga espesyal na programa anytime. Siyempre hindi namin puwedeng iitsapuwera ang Gabi ng Musika. Si Kuya Ramon pa, hehehe…"

Sabi naman ng +86 134 261 27880: "Bakit hindi nila iwasan ang mga action na nagpapainit sa issue ng territorial waters? Mahirap bang umupo sa harap ng negotiating table at mag-usap ng deretsahan? Ang lahat naman ng bagay ay puwedeng daanin sa mabuting usapan, eh."

Sabi naman ng +49 242 188 210: "May mga tao talagang parang kulang-kulang. Walang alam kundi mangbuyo para mag-away-away ang iba. Huwag tayong padadala sa kanilang matatamis na salita. Tiyak na maliligaw lang tayo ng landas at mapapahamak."

Many, many thanks sa inyong text messages.

HEAVEN

(GUANG LIANG)

Iyan naman ang awiting "Heaven," na inihatid sa ating masayang pakikinig ni Guangliang. Ang track na iyan ay hango sa album na pinamagatang "Michael Fairy Tale."

Ngayon, tingnan naman natin kung ano ang ating recipe sa gabing ito. Narito ang ating cook, ang walang kasing-yuming si Cielo.

Hello, friends! Kumusta ang inyong pagluluto these days? Ito si Cielo at sa programa ngayong gabi, isang Kunming delicacy ang lulutuin at isisilbi natin sa hapag kainan. Ito ang Stir-fried Celery and Lily Bulbs.

Sa mga hindi nakakaalam, ang Kunming ay isang lunsod sa Lalawigan ng Yunnan sa Southern China.

Ready na kayo? Handa na ang inyong notebook at ballpen o ipad? Sige, narito ang mga sangkap:

Ang mga pangunahing sangkap:

300 grams ng celery

100 grams ng buto ng kasoy

50 grams ng lily bulbs

At para sa seasoning:

20 grams ng vegetable oil

5 grams ng asin

5 grams ng asukal

5 grams ng tinadtad na sibuyas-Tagalog

20 grams ng mixture of cornstarch and water

Paraan ng pagluluto: (1) Hugasan ang celery at lily bulbs. Piliin ang medyo maliit na lily bulbs. Gayatin ang celery nang pahilis sa sukat na 1.5 centimeters. (2) Ibuhos ang mantika sa kawali, tapos pag mainit na, ihulog ang sibuyas at igisa bago ihulog ang buto ng kasoy. Alisin ang buto ng kasoy pag kulay light brown na. (3) Ilagay ang celery sa kawali at igisa nang kaunti tapos ihulog ang lily bulbs at buto ng kasoy. Ituloy ang paggisa at siguruhin na pantay ang pagkakagisa. (4) Ilagay ang asin, asukal at mixture of cornstarch and water tapos ituloy pa ang paggisa sa loob ng ilang minuto. Pagkaraan niyan, puwede nang i-serve.

Okay. Sana kinasiyahan ninyo ang aming cooking demo ngayong gabi. Itong muli si Cielo. Happy weekend and bye bye for now.

DREAM A LITTLE DREAM

(THE BEAUTIFUL SOUTH)

Mula sa album na may pamagat na "Closer: When Pop Meets Jazz," iyan ang awiting "Dream a Little Dream," na inihatid sa ating masayang pakikinig ng The Beautiful South.

Meron pang ilang SMS dito.

Sabi ni Roden ng Aguinaldo-DLSU Medical College: "Walang mayaman, walang mahirap na bansa kung kalamidad ang pag-uusapan. Tingnan na lang natin ang nangyari sa South Korean ferry boat. Hanggang ngayon, marami pang pasahero ang hindi nakikita."

Sabi naman ni Vivienne ng Sta. Catalina College Manila: "Greetings, Kuya Ramon! Kumusta ba buhay-buhay diyan? Wait ka lang at di pa ako nakakapag-download ng podcast. Sure na iyan next week."

Salamat sa inyong mga SMS, Roden at Vivienne.

Bigyang-daan naman natin ang e-mail ni Audrey ng Malibay, Pasay City: "Hi, Kuya Ramon! It was nice of you to send me a "Great Wall" t-shirt and a pair of bookmarks. Sukat na sukat sa akin yung t-shirt kaya ginagamit ko na ngayon, at iyong bookmarks naman, ginagamit ko sa mga textbooks na binabasa ko. Thank you so much for your thoughtfulness. God bless."

You are most welcome, Audrey at salamat din sa pagtangkilik mo sa aming mga programa.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Smart Buddy) 0947 287 1451.

Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless.

May Kinalamang Balita
gnm
v Gabi ng Musika ika-18 2014 2014-05-28 15:32:08
v Gabi ng Musika ika-17 2014 2014-05-21 15:14:08
v Gabi ng Musika ika-16 2014 2014-05-14 16:45:18
v Gabi ng Musika ika-15 2014 2014-05-07 18:49:09
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>