Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika Ika-12 2015

(GMT+08:00) 2015-06-18 09:57:50       CRI

April 19, 2015 (Sunday)

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.

Quote for the day: "You can't just speak your love. You have to show your love. If your actions don't show it, then it doesn't really exist."-- Tony A. Gaskins Jr. Salamat kay Nona ng Shunyi, Beijing, China. Siya ang nagpadala ng ating quotation for this evening.

Kumusta sa lahat ng hao pengyou everywhere in the world. Okay lang ba kayo riyan? Kumusta ang inyong weekend? Ano ba ang pinagkaabalahan ninyo nitong mga nagdaang araw? Paki-share naman. Gusto naming makarinig mula sa inyo. Okay lang ba?

Sabi ni Melanie ng Shaw Boulevard, Mandaluyong, Metro Manila, mula raw noong magka-interes sa pagluluto ang kapatid niya, nabawasan daw ang paglabas-labas nito ng bahay kasama ng mga barkada. Ngayon daw, kung lumabas man ito ng bahay ay para lamang magpunta sa bookstore at maghanap ng cook book o bagong recipe. Ikinatutuwa raw nila ito at nagpapasalamat daw sila sa Cooking Show at sa inspiring words ng inyong lingkod.

Naku, wala kayong dapat ipagpasalamat. Ako nga ang dapat magpasalamat dahil pinag-uukulan ninyo ng panahon ang mga recipe namin at natutuwa akong makarinig ng mga ganyang feedback kasi feeling ko may maganda naman palang pinatutunguhan ang mga kaalamang isini-share namin sa mga tagapakinig. Sabihin mo sa kapatid mo na maganda nang simula iyan at pagbutihin niya ang pagluluto niya dahil mapapakinabangan niya iyan pagdating ng araw.

At speaking of pagluluto, ang Chinese recipe natin mamaya ay Sauteed Bok Choi with Button Mushrooms. Walang kalasan, ha?

I WRITE THE SONGS
(BARRY MANILOW)

Narinig ninyo ang ating pambungad na bilang, "I Write the Songs," na inihatid sa ating masayang pakikinig ni Barry Manilow. Ang track na iyan ay lifted sa album na may pamagat na "the Ultimate."

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

Tunghayan natin ang ilang text messages.

Sabi ni Edmund ng Bo. Singkamas, Makati City: "Maganda naman ang idea ni VP Binay na i-put aside na lang muna ang pagtatalo kung kanino ang aling teritoryo sa dagat at magsagawa na lang ng joint exploration ang mga countries involved para sa kapakinabanga ng lahat."

Sabi naman ni Melvin ng Taguig, Metro Manila: "Magtutuluy-tuloy na siguro pagbabatuhan ng putik ng mga nagtutunggaliang pulitiko natin hanggang sa dumating ang 2016 elections. Kawawa naman ang mga botante. Hindi alam kung sino ang iboboto.

Sabi naman ni Nympha ng Olongapo City, Zambales: "Ay, naku po, sinabi niyo pa. Talagang karamihan sa mga mambabatas natin walang alam kundi magpapogi at magpa-epal. Kunwari nag-iimbestiga, pero huwag ka, ang talagang habol ay free television exposure. Hindi na nga namang kailangang gumasta sa kampanya."

Sabi naman ni Claire ng Pulong Bulo, Angeles City, Pampanga: "Ngayon pa lang pag-aralan niyo na galaw ng mga pulitiko natin para sa isang taon may idea na kayo kung sino ang tinatawag na lesser evil. Ay, bakit ko nasabi iyon? Sorry!"

Sabi naman ni Vilma ng Shunyi, Beijing: "Naalala ko na ngayon nga pala ang time ng pagbubuhusan ng tubig sa Thailand, Cambodia at Myanmar. Happy Water-splashing Festival sa kanila!"

Thank you so much sa inyong mga SMS.

TAHIMIK NA TAG-INIT
(JASMINE LEUNG)

Iyan naman ang "Tahimik na Tag-init," na inawit ni Jasmine Leung at hango sa album na may pamagat na "Nagpasyang Magmahal ang Paruparo."

At sa culinary portion ng ating programa, ang Chinese recipe natin ngayong gabi ay Sauteed Bok Choi with Button Mushrooms.

Itong bok choi ay parang petsay pero maliliit lang ang tangkay, at ito namang button mushrooms ay kabute na parang butones ang hitsura...

SAUTEED BOK CHOI WITH BUTTON MUSHROOMS

Mga Pangunahing Sangkap:

300 - 400 grams ng bok choi
5 - 10 piraso ng button mushrooms

Para sa Seasoning:

30 grams ng vegetable oil
5 grams ng asin
5 grams ng asukal
50 milliliters ng sabaw o tubig
20 grams ng mixture of cornstarch and water

Paraan ng Pagluluto:

Hugasan ang bok choi at hiwain sa maliliit na piraso. Hugasan ang button mushrooms tapos hatiin sa dalawa iyon lamang malalaki. Kung tuyong button mushrooms ang gagamitin, ibabad muna sa tubig sa loob ng 15 - 20 minuto bago hiwain pag malambot na.

Ibuhos ang mantika sa kawali at igisa ang button mushrooms hanggang sa lumutang ang bango ng mga ito. Idagdag ang bok choi at ituloy pa ang paggigisa sa loob ng ilang segundo. Ibuhos ang sabaw o tubig tapos bawasan ang apoy at pakuluin sa loob ng 1 minuto. Ilagay ang asin, asukal, mixture of cornstarch and water at haluin hanggang sa magpantay ang pagkakaluto tapos isilbi.

Kung mayroon kayong mga tanong o suggestion, mag-email lamang sa ramones129@yahoo.com o mag-SMS sa 0947 287 1451.

PAGKARAAN NG ISANG LIBONG TAON
(LAM JUNJIE)

Mula sa album na may pamagat na "Number 89757," iyan ang awiting "Pagkaraan ng Isang Libong Taon," na inihatid sa ating masayang pakikinig ni Lam Junjie.

Pakinggan ninyo itong anonymous quotation na gustong i-share ni Violy ng Roces Avenue, Quezon City: "No family is perfect. We argue. We fight. We even stop talking to each other at times. But in the end, family is family. The love will always be there."

Thank you, Violy.

Naalala ko tuloy iyong quotation na natanggap ko just recently. Sabi: "No amount of success can compensate for failure in the family."

Ipinakikita ng mga quotation na iyan kung gaano kahalaga ang pamilya kaya huwag tayong gagawa ng anumang bagay na makakasira sa ating pamilya.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp. Itong muli si Ramon Jr. Maraming salamat sa inyong pagsubaybay. Sana lagi kayong malayo sa anumang gulo at sakit ng ulo at lagi sanang tatandaan na ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik. Zaijian and God bless.

May Kinalamang Balita
gnm
v Gabi ng Musika Ika-11 2015 2015-06-11 15:14:52
v Gabi ng Musika Ika-10 2015 2015-06-04 16:30:04
v Gabi ng Musika Ika-9 2015 2015-05-28 16:34:49
v Gabi ng Musika Ika-8 2015 2015-05-28 15:36:16
v Gabi ng Musika Ika-7 2015 2015-05-21 17:22:46
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>