|
||||||||
|
||
March 15, 2015 (Sunday)
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.
Quote for the day: "It is never too late-- never too late to change your life, never too late to be happy."-- Jane Fonda
Kumusta na? Okay lang ba kayo riyan? Sana walang problema, ha? At kung mayroon man, labanan ang problema. Huwag na huwag kayong pagugupo sa problema dahil kayang-kaya ninyong igupo iyan kung gugustuhin ninyo. Sabi nga ng mga makaranasang tao, "Kung may problema, may solusyon." Kaya, cool lang kayo. Cool, men, cool.
Bukod sa mga piling awitin, tampok din sa programa ngayong gabi ang mga SMS, e-mail at snail mail mula sa mga tagapakinig at ang pinananabikan ng marami na Chinese recipe. Kaya, huwag kayong aalis sa tabi ng inyong mga radyo at samahan ninyo ang inyong loving DJ sa susunod na 20 minuto dito sa Gabi ng Musika atbp.
Ilang piling mensahe.
Sabi ni Sol ng Beijing International School: "Hi, Kuya Ramon! Sana mahanap ng ating mga kinauukulan ng angkop na solusyon sa ating political crisis at kalimutan na sana ng ilang kababayan ang idea ng pagpapababa kay Pangulong Aquino. Itong huli ay maaring magresulta sa power vacuum."
Sabi naman ni Miriam ng Asturias, Sampaloc: "Sabi nila kung walang paloloko walang manloloko. Pero kung minsan kasi alam natin na lolokohin lang tayo pero we take the risk without any logical reason at all."
Salamat sa inyo, Miriam at Sol. Oo nga, ano? Kung minsan alam natin na lolokohin lang tayo pero sige pa rin tayo. Siguro kung minsan ayaw lang nating masaktan ang damdamin ng mga manloloko.
BEST THING THAT EVER HAPPENED TO ME
(GLADYS KNIGHT AND THE PIPS)
Narinig ninyo ang ating pambungad na bilang, "Best Thing That Ever Happened to Me," ng Gladys Knight and the Pips. Ang track na iyan ay lifted sa album na pinamagatang "Imagination."
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
Sabi ni Irma ng Shunyi, Beijing, China: "Nate-turn off ako sa mga lalaking mahilig manira sa iba. Ang feeling ko kasi darating ang araw sisiraan din niya ako."
Sabi naman ni Elsa ng Name, Lungsod ng Kalookan: "Totoo ang sabi niyo. Bawal magkasakit. Ang haba-haba ng pila sa mga emergency wards ng hospital lalo na sa libre at ganun din sa doktor."
Sabi naman ni Joseph ng Punta, Sta. Ana: "Kulang na kulang talaga sa unity ang mga Pinoy. Dapat sana meron tayong common goal at iyon ay maisulong ang economic development at hindi ang usaping pampulitika."
Sabi naman ni Mar ng San Pedro, Laguna: "Walang dudang attractive pa rin ang Boracay pero sana i-promote rin nila ang mga iba pang lugar dito sa atin. Marami pa tayong maipagmamalaking lugar."
Sabi naman ni Rolly ng Guadalupe, Makati City: "Salamat sa info. Akala ko noon machine ang ginagamit sa paggawa ng paper-cut. Manu-mano lang pala iyon."
Thank you so much sa inyong text messages.
NO LOVE IN THE ROOM
(FIFTH DIMENSION)
Iyan naman ang "No Love in the Room," na inawit ng Fifth Dimension at hango sa album na may pamagat na "Soul and Inspiration."
Ngayon, dumako naman tayo sa culinary portion ng ating programa. Ang Chinese recipe natin ngayong gabi ay Snow Peas, Mushrooms and Bamboo Shoot.
SNOW PEAS, MUSHROOMS AND BAMBOO SHOOT
Mga Sangkap:
6 na pinatuyong black mushrooms
1 kutsara ng cooking oil
1 clove ng garlic, dinikdik nang bahagya
1 malaking piraso ng bamboo shoot na tumitimbang ng humigit-kumulang 125 grams
280 grams ng snow peas
Kalahating kutsarita ng asin
Kalahating kutsarita ng asukal
1 pirot ng vetsin
Paraan ng Pagluluto:
Hugasan ang mushrooms at ibabad sa mainit na tubig sa loob ng 30 minuto. Hanguin sa tubig pero huwag itatapon ang tubig na pinagbabaran. Tanggalan ng tangkay ang mushrooms at hatiin sa dalawa ang mushroom caps.
Mag-init ng mantika sa kawali at igisa ang garlic hanggang sa magkulay brown. Tanggalin ang garlic tapos dagdagan ang apoy. Igisa ang mushrooms sa loob ng ilang segundo tapos isunod ang hiniwa-hiwang bamboo shoot at ituloy ang paggisa sa loob ng ilang segundo. Ihulog ang snow peas tapos ituloy ang paggisa sa loob pa ng 1 hanggang 2 minuto. Buhusan ng 4 na kutsara ng likidong pinagbabaran ng mushrooms. Budburan ng asin, asukal at vetsin at ituloy ang pagluto sa loob pa ng 2 minuto. Huwag kalimutang halu-haluin. Patayin ang apoy pagsingaw ng likido at habang matigas pa ang gulay. Isilbi habang mainit.
Kung mayroon kayong katanungan o suggestions, mag-e-mail lamang sa ramones129@yahoo.com o mag-SMS sa 0947 287 1451. Magpapatuloy tayo...
WHAT CAN I DO
(NAN QUAN MAMA)
"What Can I Do?" inawit ng Nan Quan Mama at mula sa album na pangalan ng grupo ang ginamit na pamagat.
Nagpapasalamat sina Jennelyn ng Plaza Dilao, Paco, Manila; Mark ng Singalong, San Andres, Manila; at Jolina ng Liloan, Leyte. Natanggap na raw nila iyong ipinadalang souvenir items ng inyong lingkod.
Thanks for letting me know. You are most welcome. Kayo pa, eh, ang lalakas ninyo sa akin.
May padalang quotations si Carol ng carolnene.edwards@gmail.com.
Sabi ng una: "You may have to fight a battle more than once to win it."-- Margaret Thatcher
Sabi naman ng pangalawa: "The only way to do great work is to love what you do."-- Steve Jobs
Oras na naman para magpaalam. Itong muli si Ramon Jr. Maraming salamat sa inyong walang-sawang pagsubaybay at laging tatandaan na ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |