|
||||||||
|
||
20160817mpst.mp3
|
Si Dr. Jayne San Jose-Ziermann
"It was fated." Sa pahayag na ito sinimulan ni Dr. Jayne San Jose-Ziermann ang kanyang panayam sa CRI Filipino Service.
At ang kapalarang ito ang nagbukas ng pagkakataon para isang medical practice na ngayon ay umabot na ng 10 taon.
Anim na taon siyang nanggamot sa Beijing United Family Hospital. Matapos nito itinuloy niya ang pagiging Pediatrician sa Oasis International Hospital. Apat na taon na rin niyang hawak ang posisyon bilang Chief of Pediatrics sa nasabing ospital.
Biro niya pansamantala lang dapat ang posisyong administratibo, ngunit dahil ugali ng mga Pilipino ang di pag-urong sa ganitong hamon, pinanindigan na niya ang pagpapatakbo sa kanyang departamento na ngayon ay may 8 doktor at 12 nurses.
Sa website ng hospital, may isang quote si Dr. Ziermann, "I love patient education. I like empowering the parents with knowledge." Paliwanag niya sa panayam na ang mga magulang ng pasyente, ay walang ibang nasusulingan kapag nagkakasakit ang kanilang supling. Kanyang prinsipyo dapat magbigay ng dagdag na suporta sa pamilya at maipaliwanag ng maayos ang kakailanganin sa panggagamot. Aniya may knowledge gap sa child care na dala ng one-child policy. At sa mga dayuhan naman na first time parents, problema ang kawalan ng pamilyang magiging katuwang sa pagkalinga sa sanggol o bata.
Upang malaman ang mga bagay na susi sa kanyang tagumpay sa Beijing bilang doktor at maging ang kanyang payo sa mga doktor na nais magkakaroon ng career sa ibang bansa, pakinggan ang panayam kay Dr. Ziermann sa programang Mga Pinoy sa Tsina.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |