|
||||||||
|
||
Dr. Rhoda Despabiladeras
|
Ayon kay Dr. Rhoda Despabiladeras, Psychiatrist sa Vista Medical Center sa Shenzhen, Guangdong province, ang mga OFWs ay kadalasang nakararanas ng pagkabahala, nerbyos at pagkalungkot. Dahil din sa pagkakalayo sa mga mahal sa buhay ang mga OFWs ay malimit na nagkakaproblema sa relasyon.
Ani Dr. Rhoda Despabiladeras, bago ang larangan ng mental health sa Vista Medical Center, ikinalulugod niyang makapag-ambag sa paglago nito bilang isang dayuhang espesyalista.
Ang programang Mga Pinoy sa Tsina ay tumutok sa usapin ng mental health ng mga migranteng manggagawa na nakikipagsapalaran sa ibayong dagat.
Sa panayam ni Mac Ramos, ibinahagi ni Dr. Despabiladeras ang ilang mga tips kung paano makakaiwas sa mga mental at psychological concerns.
Ang loob ng klinika ni Dr. Rhoda Despabiladeras sa Vista Medical Center, Shenzhen.
Dahil ang mga Pinoy ay maabilidad at madaling nakakaangkop sa anumang kalagayan, isang tip niya ay ang paghahanap ng mga tunay, mapagkakatiwalaan at maasahang mga kaibigan.
Alamin ang iba pa niyang mga payo para makamit ang masaya at payapa at panatag na pamumuhay sa abroad sa programang Mga Pinoy sa Tsina.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |