|
||||||||
|
||
Barangay China
|
Isa sa mga kilalang asosasyon ng mga Pinoy sa Tsina ay nakabase sa Shenzhen. Ito ang Barangay China na higit 16 na taong nang nagkakawanggawa sa komunidad ng Pilipino sa timog Tsina. Si Sally Jose Chua ay isa sa mga Core Members o tagapagtatag ng grupo. Nagsimula ito sa simpleng mga kainan at sa paglaon ng panahon naging organisadong samahan na may tiyak na layunin. Pangunahin dito ang magsilbing gabay sa mga OFWs hinggil sa matiwasay na pamumuhay at legal na pagtatrabaho sa Tsina. Kasabay ng paglago ng samahan, kanila na ring isinabalikat ang maraming mga gawain sa pagkakawanggawa di lamang sa mga nangangailangang kababayan sa Tsina kundi maging sa mga kapus-palad sa Pilpinas. Alamin ang mga charitable work ng Barangay China at mga miyembro nito para sa Maia Foundation, Grace to be Born, Pasko sa Mahihirap at ilang mga dahop na lugar sa Pilipinas gaya ng Aklan at Quezon. Pakinggan ang panayam ni Mac Ramos sa programang Mga Pinoy sa Tsina.
Si Sally Jose Chua, isa sa mga Core Members ng Barangay China
Brgy.China 2015 Outreach kasama ang mga opisyal ng Philippine Consulate sa Guangzhou
Higit isang daang tsinelas ang ipinamigay ng Brgy. China sa mga mag-aaral ng Cahandugan Leyte Elememtary School
Mga estudyante ng Cahandugan Leyte Elementary School na tumanggap sa regalo ng Brgy. China
Mga miyembro ng Brgy. China na abalang naghahanda ng relief goods para sa Yolanda Typhoon victims
Paskuhan 2015 masayang pagtitipon ng mga Pinoy sa Shenzhen na iniorganisa ng Brgy. China
Sa darating ng Disyembre, ang Barangay China ay magsasagawa ng mga sumusunod na aktibidad:
December 1 - Paskuhan sa Dalipdip Elementary School (Feeding program & gift giving)
December 10 - Paskuhan sa Shenzhen (Fund raising activity)
December 11 - Filcom Guangzhou Paskuhan sa Crowne Plaza Hotel
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |