Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-28 2011

(GMT+08:00) 2011-08-02 16:39:43       CRI

Blue sky and white clouds, beautiful water, who can deny the awesomeness of nature? Smell the air, feel the breezes blowing mist, and look at the beautiful expanse of the blue sky. Welcome sa Beijing at kasiyahan ang kagandahan ng dagat sa Forbidden City, sa ibaba ng Great Wall. Nitong ilang araw na nakalipas, ang klima ng Beijing ay parang mga rehiyong tropikal. Bawat araw masamang-masama. Umaabot na sa 90% ang degree of humidity at bawat gabi, umasa kang bubuhos ang malakas na ulan na may dalang malamig na hangin sa buong lunsod. Pero, dahil matagal na hindi nag-uulan ng gayung kalakas sa Beijing, mabilis na nagbara ang drainage system ng lunsod. Ang buong Beijing ay nagmistulang isang malaking buwan at nahinto ang operasyon ng subway, Naging malaking parking area ang main streets dahil sa traffic jam. Kaya, nagbibiro silang isang bagong pamantayan na kung talagang mayaman kayo o hindi, bukod sa malaking bilya at maluhong sports car, dapat meron din kayong bapor.

Kayo'y nasa China Radio International, progremang Pop China na inihahatid senyo ng inyong happy DJ na si S-I-SS-I, sissi. Tingnan natin ang tatlong pinakapopular na kanta para sa nakaraang linggo.

Sa ika-3, "Aking Tao," sa puso ko, ikaw ay akin from the very beginning na ibinigay nina Tu Honggang at Na Ying.

Sa ika-2, "Luko-luko" na kaloob ng dalawang singer na may malamig na boses-- sina Sherman Chung at Hung Cheuk Lap.

Ang winner ay"Pipit", isang kantang naglalarawan sa karanasan ng mga migrant worker na mula kay Wang Xv.

Pagkaraan ng apat na buwang group matches sa anim na rehiyon ng Tsina, noong isang linggo, malinaw na ang Top 10 participants ng bagong sesyon ng "Super Voice," pinakamalaking singing contest ng mainland Tsina. innocent faces, choppy performance, pero, madali kayong mahihikayat ng kanilang shining eyes at pagkanta na lipos ng kompiyansa. Sa darating na ilang araw, mahigpit na maglalabanan sila para sa kanilang pangarap at buong sikap na patutunayan nila ang kanilang love, passion at talent sa musika. Bilang dating kompeon ng Super Voice 2009, natural, naging tagapagsalita ng bagong sesyon ng Super Voice si Vivi, Jiang Yingrong at kinanta ang bagong theme song na "Arm Yourself". Arm yourself para sa pangarap. Go, go, go mga sisters.

Noong isang buwan, naipublisize ni Jame Hsiao ang kanyang bagong album na "Rhapsody" at espesyal na tinularan niya ang isang bastinado sa pamamagitan ng paggaya sa sikat na Arnis Master na si Dan Inosanto. Sa isa pang bagong commercial jingle "Jasmine love" na kinanta at kinatha ni James Hsiao para sa sikat na food at beverage company-Uni-president, ipinakita niya ang kanyang tenderness, at sa tulong ng gitara, inihandog sa atin ang isang love song na naglalarawan ng relasyong sariwa at masarap lasapin na tulad ng Jasmine flower.

Hindi ko alam kung may malungkot na istorya sa likod ng lahat ng child stars. Pero, para kay Delphine Choi, mula noong 9 na taong gulang, abalang-abalang siya sa mga performances para kumita ng sapat na halaga at mapanatili ang pamumuhay ng buong pamilya. Dahil isang sugarol, nagkabaun-baon sa utang ang tatay ni Delphine , kaya, mula't sapul, ibang-iba ang buhay niya kumpara sa iba pang bata. Habang naglalaro ang iba, nagtatrabaho siya, at habang nagsasalu-salo ang iba, nagtatrabaho pa rin siya. Pero, sa kanyang boses, hindi mo mapi-feel ang mga kahirapang dinaraanan niya. On the contrary, puno-puno ng sweetness at tenderness ang kanyang mga obra. Sa bahaging Gramaphone ngayong gabi, kasiyahan natin ang kanyang pinakasikat na obrang "Naunawaan Ako ng Bituin".

Naunawaan ako ng bituin. Naunawaan kayo ng sino? Sana manatiling malusog at matatag kayong lahat. Kung may anumang aksidente, ito ay para maging mas maganda ang pamumuhay. OK, huwag ninyong kalimutang ibahagi ang inyong love at passion sa music and life kay ate Sissi. Siguro, hindi ko kayang magbigay ng anumang aktuwal na tulong, pero, mayroon akong isang pares ng tenga na ready to listen.

I-add ninyo ang aming Facebook account na "CRI Filipino Service"

Pop China Ika-27 2011
Pop China Ika-26 2011
Pop China ika-25 2011


 

                           More


Back to Top                                                                                   Pasok sa Mtime

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>