Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-31 2011

(GMT+08:00) 2011-08-22 17:09:09       CRI

Sagot ni Mitch: Anong balita tungkol sa delegation ng pilipinas? baka nga puro opisyal iyon? Sabi naman ni Ron: malaki-laki delegation ng pilipinas. hindi kaya mas maraming opisyales kaysa players. Actually. isang linggong na ang nakararaan sapul nang buksan ang Ika-26 Shenzhen Summer Universiade noong ika-12 ng Agosto. Ito ang kauna-unahang pagkakataong umakyat sa arena ng Universiade ang pambansang delegasyon ng Philippines na binubuo ng 21 opisyal at coach at 45 manlalaro. Kabilang dito, pinakamalaki ang grupo ng aquatics, na may 16 na malalarong babae at lalaki. Nagpadala rin ang Philippines ng basketball team mula sa University of Cebu na minsan ay naging kampeon ng UAAP basketball tournament. Bagama't hanggang sa kasalukuyan wala pang mga balita hinggil sa medalya, kung titingan ninyo ang mga website, makikita ninyong nag-e-enjoy sila sa mga paligsahan at dahil bata pa sila, college student lamang, naniniwala akong naghihintay sila ng mas marami at mas malaking tagumpay sa hinaharap sa iba't ibang arena.

Kayo'y nasa China Radio International, progremang Pop China na inihahatid senyo ng inyong Happy DJ na si S-I-SS-I, sissi. Sabi ni Melissa: cguro cnasabi mo pg bilog ang buwan nagba2go takbo ng isip mo. ganun ba, ate? tulad ng high tide, di ba? e…baka, pero, sabi nila, 7 days, 24 hours na tumatawa ako. High tide lagi, haha. Ok, Tingnan natin ang tatlong pinakapopular na kanta para sa nakaraang linggo.

Sa ika-3, "Pipit", isang kantang naglalarawan sa karanasan ng mga migrant worker na mula kay Wang Xv.

Sa ika-2, bagong obarang "Sakit" na inihahatid ng bagong henerasyon ng dance music band-the honor.

Ang winner ay "longing for", bagong kanta na ibinigay ng drama queen na si Ranie Yang.

Sabi ni Lindsay: wala atang kopya si kuya rj ng album ni christine fan. baka ikaw meron. patugtog ka naman. Kumusta ka? Lindsay, Alam kong siya ang gustong-gusto mong Chinese singer at siyempre, marami akong ablum ni Christine Fan o Fan fan. Alam mo, sa tingin ko, si Christine Fan ay isang babaeng parang maliwanag na lawa. Hindi tulad ng dagat, powerful, mysterious at capricious, laging ibinibigay ni Christine ang isang puro, maliwanag at sariwang pakikiramdam sa atin. Noong Mayo, natapos ni Christine ang kanyang wedding kasama ng fiancé na si Blackie--pagkaraan ng sampung taon of going steady. Bago ang wedding ceremony, sa bagong album na "Faces of Fanfan", espesyal na kinatha ni Christine ang isang kantang pinamagatang "Black And White Goes Together With" na nagkuwento ng kanyang affection kay Blackie. Walang ibang taong tulad mo ang makakaunawa sa aking puso. Nawa, makita ng lahat ng tao iyong taong makakaunawa sa kanila. .

Kung sinasabing si Christine Fan ay isang lawa, si Wu Bai o Uncle Five naman ay isang volcano. Siya at ang kanyang China blue band, sa pamamagitan ng passionate na live performance, ay nakuha ang pangalang "king of live." It's very common na habang kumakanta si Uncle five sa istage, bigla siyang tatalon sa gitna ng makapal niyang fans o ibababa ang gitara at biglang sasayaw. No restraint at beyond imagination. Walang taong nakakaalam kung ano ang susunod niyang gagawin.. Pero, pag baba ng stage, siya ay isang lalaki. Tahimik na tahimik. Parang halos naubos nang lahat ang enerhiya sa performance. Ngayong gabi, kasiyahan natin ang bagong kantang niyang "Volcano." Mag-i-errupt na siya. Handa na ba kayo?

Noong isang linggo, binasa ko ang isang aklat na sinulat ng isang lalaking Taiwanese. Ayon sa kanya, si Yang Lin ay dream love ng nakararaming kabataang lalaki noong 1980s, at noong panahong iyon, para malaman kung popular o hindi ang isang singer, tingnan mo kung may poster o litrato siya sa mudguard ng mga motorcycle. Dahil noong panahong iyon, pambihira pa ang motorcycles, ang mudguard ng mga ito ay parang billboard kung saan naglalabanan ang pop singers at madalas na nagwawagi si Yang Lin.

Noong taong 2003, opisyal na umalis sa sirkulo ng musika si yang at inilaan ang lahat ng enerhiya sa pagpipinta. Sa ngayon, siya ay isa nang sikat na painter at matagumpay na nakapagtanghal ng sariling art show. Naririnig ninyo ang kanyang classic hits na "Crystal Heart." Gusto ko itong i-dedicate kina Mulong De Mesa at Jeffy M. Sumilhig, bilang most valuable message senders ng Serbisyo Filipino. Salamat sa inyong suporta at I'm sorry, Jeffry, napagkamalian kitang babae kaya feminine souvenir items ang naipadala ko sa iyo. I will make up for my shortcomings next time.

I-add ninyo ang aming Facebook account na "CRI Filipino Service"

Pop China Ika-30 2011
Pop China Ika-29 2011
Pop China ika-28 2011




 

                           More


Back to Top                                                                                   Pasok sa Mtime

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>