Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China ika-35 2012

(GMT+08:00) 2012-09-02 21:19:24       CRI

Tinalakay natin sa mga nagdaang programa ang hinggil sa Olimpiyada, paglalakbay, at paggawa ng indie film. Pero ngayong gabi, ang paksa natin ay iyong mga paboritong kanta at mang-aawit.

Magkakaiba ng pamantayan ang mga tao sa pagpili nila ng mga paborito nilang kanta at mang-aawit. Bukod sa tinig, himig ng kanta, husay ng pagkakakanta, ang istilo at hitsura ng mang-aawit ay mga bagay din na nakakaakit ng mga tagahanga. Sa tingin ko, bilang dalawang super star, mas marunong si Jackie Cheung kay Andy Lau sa pagkanta, pero, mas guwapo si Andy Lau.

Tulad ng sinabi ko kanina, naiiba ang pamantayan sa paboritong kanta at mang-aawit para sa iba't ibang tao. Para sa akin, ayaw ko mga hard rock music, kasi sobrang ingay at parang masasabog ang aking puso habang nakikinig ko ang ganitong uri ng musika. Sa susunod, hayaan niyong ibahagi ko sa inyo ang kuwento ni Milky, isang estudyante na nag-aaral ng wika at kultura ng Pilipinas sa Peking University, hinggil sa kanyang paboritong kanta at mang-aawit.

(Narito ang kuwento ni Milky)

Ang paborito kong musika ay folk music, pop music at britpop. Ang paborito kong musikerong Tsino ay si Eason Chen (Chen Yixun), Taga-Hongkong siya. Napakagaling ni Eason na kumanta ng kundiman. Maraming-marami siyang pinasikat na kanta at marami ring mang-aawit ang muling kumanta ng mga awit niya pero hindi rin siya nalampasan. Alam na alam niya kung paano awitin ang magkakaibang awitin sa pinakamagandang paraan.

Si JJ Lin

Gusto ko rin si Eason Chan. Mahusay siya talaga. Sa kasalukuyan, ang karamihan sa mga kilalang mang-aawit na Tsino ay taga-Hongkong o Taga-Taiwan. Halimbawa sin JJ Lin na taga-Singapore at Fish Leong na taga-Indonesia. Talaga namang napakagaganda ng mga boses nila. Ang kanilang tinig ay parang purong crystal at puno ng kabighanian. Mahirap na gayahin ng ibang mga mang-aawit ang kanilang tinig. Kaya, ang susunod na 2 awitin ay mula sa kanila. Una ay Jiangnan mula kay JJ Lin, ang ikalawa ay ang Missing You, mula kay Fish Leong.

Si Fish Leong

Bukod pa nila, marami rin namang mahuhusay na mang-aawit sa Mainland at magaganda rin ang mga kanta nila. Halimbawa si Hu Yanbin, na kahit hindi kaguwapuhan ay mahusay ding kumanta at magaganda rin ang mga kanta. Sina Zhou Yunpeng at Lizhi naman ay mahuhusay sa pop music at rock songs.

Si Hu Yanbin, mang-aawit mula sa mainland China

Pero kumpara sa mga taga-Hong Kong at Taga-Taiwan, mukhang hindi sila gaanong kilala at kaunti lang ang mga batang mang-aawit sa Mainland. Sa palagay ko, ang mga mabatang mang-aawit na Tsino ngayon ay napakaganda at napakaguwapo at marami sa kanila ang pansamantalang nagiging artista sa pelikula. Pero hindi ganoong mahusay sila sa pag-awit. Bagama't kapansin-pansin ang kanilang mga MV, walang malalim na kabuluhan at walang masasabi ang mga awit. Sobrang karaniwan ang mga himig at hindi kaakit-akit.

Sa isa pang dako, ang mga batang mang-aawit na Tsino ay mukhang mas malapit sa imahe ng entertainment sa halip ng singer lamang.

Si Li Zhi, mang-aawit mula sa mainland China

Tunghayan natin ang mensahe mula sa tagapakinig. Sabi ni Lisa, basta ok ang pagkakaganap ng mga artista ok ang independent film.

Sana ako rin, mare. Pero pagkatapos ng pagsashimpapawid ng programa, hindi sang-ayon ang ibang mga artista o estudyante ng Peking University sa sinabi ni James. Nag-iwan sila sa aming message board ng mga kawili-wili kunwento ni James sa pagkuha ng pelikula. hehe

Ito muli si Ernest at sa ngalan ni Ate Sissi, sana manatiling malusog at masaya kayong lahat day and night. Good night~

Pop China Ika-34

Pop China Ika-33

Pop China Ika-32

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>