Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China ika-42 2012

(GMT+08:00) 2012-10-21 13:59:45       CRI

Pagkatapos ng nagdaang programa, nag-iwan ang masugid na tagapakinig na si Plum ng mensahe sa aming message board. Nagtatanong siya kung kaninong picture iyong nasa itaas. Sabi pa niya, "ang sexy naman niya. i suppose she is a super model." Sa katotohanan, hindi siya super model. Siya ay si Angela Chang, babaeng mang-aawit na galing sa Taiwan, China.

Sexy talaga siya sa litrato. Sa katotohanan, siya ay isang maliit at magandang babae, pero puno ng kasiglahan sa pagkanta. Sa nagdaang programa, inihatid ko minsan ang isang awitin niya sa inyo na pinamagatang The Rain has been taken. Ang unang awitin ngayong gabi ay mula rin sa kaniya. Ito ay pinamagatang Magandang Pakpak.

Sa katotohanan, pag nakikita ko ang nasabing litrato ni Angela Chang, hindi ako makapaniwalang siya ang naturang seksing babae sa litrato, kasi malaki ang pagkakaiba ng babae sa litrato at sa anyo niya sa aking isip. Salamat sa makabagong technology, napapalabas na mas maganda, mas sexy, at mas macho-guwapito ang mga artista sa litrato.

Hindi lamang sa mga lirtato, mukhang nagkakaiba o mas maganda ang mga artista kaysa sa talagang anyo nila kung makikita sila nang personal. Sa katotohanan, ang retoke ay ginagamit ng parami nang paraming tao para maging mas maganda. Kapag nababanggit ang retoke, ang unang bagay na pumapasok sa aking isip ay ang Timog Korea na kilala sa mahusay na teknolohiya hinggil dito. Alin ang gusto mo, natural beauty o man-made beauty? Gusto mo bang subukin ang retoke? Kung mayroon po kayong mga kuru-kuro, iwan lang ninyo ito sa aming message board.

Ang susunod na awitin ay pinamagatang Because of You, mula kay Liang Bo, isang mang-aawit na Tsino.

Sa pagpapatuloy ng ating programa ngayong gabi, tunghayan natin ang mga mensahe mula sa mga takapakinig. Sabi ni Librada: ayos ba naman ang holiday mo, kuya ernest? anu-anong mga lugar ang pinuntahan mo? Sabi naman ni Vivian: ang haba ng holiday ninyo. dapat haping-happy kayo.

Salamat po sa iyong mga mensahe. Ayos naman ang aking bakasyon, pero ang pinakamalungkot na bagay para sa akin ay ang pagtatapos ng bakasyon. Sayang talaga. Tulad ng alam ng lahat, may 1.3 bilyong populasyon ang Tsina at kapag bakasyon, punong puno ng mga tao sa mga lugar-panturista. Kaya hindi ako nag-tour sa ibang mga lugar pero umuwi ako sa Probisyang Henan para makipiling ang aking mga magulang. Masaya talaga ako kapag namamasyal, nagkukuwentuhan at kumakain kasama ang aking mga magulang. Kaya ikinalulungkot ko ang pagtatapos ng bakasyon at pagbabalik sa opisina. Ok ang huling awin ngayong gabi ay ang miss na miss, mula kina Niky Wu ay Yan Yidan, dalawang mang-aawit na Tsino.

Ito muli si Ernest at sa ngalan ni Ate Sissi, sana manatiling malusog at masaya kayong lahat day and night.

Good night~

Pop China Ika-41

Pop China Ika-40

Pop China Ika-39

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>