Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China ika-39 2012

(GMT+08:00) 2012-10-01 17:19:56       CRI

Tulad ng alam ng lahat, ginamit minsan ng Tsina ang lunar calendar sa loob ng mahabang panahon. Kaya ang mga tradisyonal na pestibal dito sa Tsina ay mga araw na batay sa lunar calendar at walang itinakdang araw sa Gregorian calendar. Halimbawa ang Mid-Autumn day ngayong taon ay nasa ika-30 ng setyembre, pero ang araw ng pestibal na ito noong 2011 ay nasa ika-12 ng setyembre.

Dahil ang unang araw ng Oktubre ay Pambansang Araw ng Tsina, sa taong ito, may 8 araw na bakasyon ang mga mamamayang Tsino para sa Mid-Autumn day at National Day. Magandang balita, di ba? Sa 8 araw na bakasyon, maaring gumawa ang mga tao ng maraming bagay na gaya ng paglalakbay sa isang malayong lugar, may maraming salu-salo sa mga kaibigan, walang duda, ang pinakamahalagang bagay ay makipiling ang buong pamilya.

Ok ang unang awitin ngayong gabi ay ang gandang langit sa pangarap, mula kay Eason Chan, napakahusay na mang-aawit mula sa Hong Kong.

Tulad ng pagamat ng awiting ito, maganda ang mga pangarap ng mga tao. Ano ang pangarap ninyo noong bata pa kayo? Ano naman ang mga pangarap ninyo ngayon? Para sa akin, ang pangarap ko noong bata pa ako ay maging isang guro—kasi ang mga titser ay walang homework na tulad ng mga mag-aaral.

Ngayong Linggo, ika-30 ng Setyembre, ay Mid-Autumn day. Ang pestibal na ito ay isang tradisyonal na pesital sa Tsina na may mahigit 2000 taong kasaysayan. Noong unang panahon, ang araw na ito ay ipinagdiriwang bilang pag-aalay sa diyos ng buwan. Ang moon cake ay ginagamit bilang alay sa seremonya, kaya ang hugis ng lahat ng mga moon cake ay bilog na parang full moon sa mid –autumn night.

Kahit lumilitaw ang mga bagong uri ng moon cake ngayon sa Tsina na gaya ng ice-cream moon cake, karamihan sa mga ito ay bilog pa rin. Ang moon cake ay nagpapahiwatig ng suwerte, makapiling ang buong pamilya at magandang hangarin para sa kinabukasan. Dahil noong unang panahon, dapat magkakasamang kumain ang buong pamilya ng moon cake pagkatapos ng seremonya para maging mas mayaman at suwerte ang pamilya sa kinabukasan.

Kaya ang susunod na awitin ay ang isang classic na awitin na pinamagatang Sweet Love, mula kay Teresa Teng, mang-aawit na mula sa Taiwan China.

Tulad ng pamagat ng awiting ito, ang lasa ng karamihan ng moon cake ay matamis; ibig-sabihin, umaasang magiging mas maganda at matamis ang pamumuhay ng mga tao sa hinaharap.

Sa kasalukuyan, ang Mid-Autumn Day ay ipinagdiriwang para makapiling ang buong pamilya. Dahil noong unang panahon, sa pagsapit ng araw na ito, pumapasok ang mga nayon sa panahon ng pag-aani ng mga butil at ibang mga pananim, kaya dapat bumalik sa lupang tinubuan ang mga tao para tumulong sa kanilang pamilya sa pag-aani. Ibig-sabihin, makapiling ang buong pamilya--pero hindi tulad ng sa Spring Festival na makapiling ang buong pamilya para magpahinga. Ang Mid-Autumn noong araw ay nangangahulugan ng pagsisimula ng panahon ng pag-aani.

Kaya ang huling awitin ngayong gabi ay ang Magandang Alaala, mula kay Nicky Wu, isang mang-aawit mula sa Taiwan, China.

Sa katotohanan, marami pang ibang aktibidad sa Mid-Autumn, gaya ng pagsisindi ng lantern, pagsasayaw ng lion dance, at paglalakad-lakad sa kalye sa ilalim ng liwanag ng buwan. Kung may pagkakataon, sana kasiyahan ninyo ang mga aktibidad at masasarap na pagkain bilang pagdiriwang ng Mid-Autumn day sa Tsina.

Tunghayan natin ang mensahe mula sa tagapakinig. Sabi ni Shienna: bakit sabi ng iba hindi ka raw puwedeng maging bayani kung buhay ka pa. kailangan bang mamatay ang isang tao bago tanghaling bayani?

Salamat sa iyong mensahe, Shienna. Mahirap talaga ang tanong mo. Naiiba ang mga pamantayan ng bayani para sa iba't ibang tao, Para sa akin, hindi kailangang mamatay ang isang tao para maging bayani. Ang bayani ay kumakatawan sa lakas ng loob, katinuan at obligasyon na walang direktang kaugnayan sa buhay o kamatayan.

Ito muli si Ernest at sa ngalan ni Ate Sissi, sana manatiling malusog at masaya kayong lahat day and night. Good night~

Pop China Ika-38

Pop China Ika-37

Pop China Ika-36

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>