Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-51 2012

(GMT+08:00) 2012-12-24 15:43:54       CRI

Magandang magandang gabi po, welcome sa Pop China. Kung napapakinggan nyo ako ibig sabihin we all survived. Ako po si Sissi ang inyong mega Happy DJ mega kasi di natuloy ang pagka gunaw ng mundo. Welcome po sa Pop China, at dahil di nagkatotoo ang doomsday prediction ng mga Mayan … pwedeng pwede ko na kayong batiin ng Maligayang Pasko!!!

Walang naganap ang lindol, normal ang dagat, mapayapa ang langit, hindi nagwakas ang daigdig at buhay na buhay pa tayo.

OK… Last Saturday, natatandaan pa ba ninyo ang mga kawili-wiling reklamo ng isang lalaking Amerikano tungkol sa kanyang asawang Tsino? Ngayong gabi, patuloy kong ibabahagi ang mga complaints niya at atin ding mapakikinggan ang mga masayang musika ng kapaskuhan. Pero, bago rito, gusto kong ipaalala ang Christmas and New Year activity ng Pop China na --"Muling Magtipon-tipon Sa 2013". Sumali na ba kayo? Napaka dali … magpadala lang ng short message para sa taong 2013 kasama ang inyong postal address bago sumapit ang unang araw ng Enero sa front page ng aming website: Filipino.cri.cn o sa mobile phone No: 09212572397. May chance kayong makatanggap ng aginaldo bilang pagdiriwang ng kapaskuhan dito sa programang Pop China ng Serbisyo Filipino. Join na kayo para manalo ng oremyo. Pakinggan muna natin ang unang pagbati mula kay Tylor Swift, kantang "last Christmas", anong ginawa ninyo noong nagdaang pasko? Sino ang kasama ninyo?

Balikan natin ang kwento ng Amerikanong napaka raming reklamo sa kanyang asawang Tsino … last week huminto tayo sa sinabi nyan "pagkaraang sakupin ang bahay mo, walang privacy, you can touch no where" Ang ika-4 na resulta na matapo syang makapag asawa ng babaeng Tsino: makakain mo ang lahat! Ang lahat ng bagay sa ilalim ng langit, na may binti, bukod ng mga mesa. Sabi ng Kano -- Puwedeng magluto ang mga Tsino nang masarap at kumain. Generally speaking, gusto kong kumain ng lahat ng bagay na niluto nila, sa isang kondisyon -- huwag na nilang sabihin sa akin kung anong kinakain ko. Sabi nila, paborito ng mga Chinese ang karne, naitindihan ko, gusto ko rin, pero, ang paa ng manok, ang dila ng bibi at ang tenga ng baboy, araw araw na lang sa bawat oras ng pagkain parang they can't have enough of it. Talagang nasorpresa ako.

Ito pa ang sinabi ng Kano … Nagbiro daw nya minsan ang asawa nya. Sabi nya "Kung naganap ang tag-gutom sa Amerika, baka kainin din nila ako, kinabibilangan ng aking paa, dila at tenga.

At minsan kung gusto magluto ng asawa mo ng sabaw o traditional Chinese medicine, Ok, hintayin ka lang saglit dahil magre-react ang kapitbahay at tatawag ng pulis. Binisita na ang bahay namin ng pulis nang tatlong beses, kasi, sinabi ng kapitbahay ko sa kanila na umaalingasaw ang amoy na parang amoy ng chemical weapons mula sa paligid ng bahay ko. UM…gusto nyo bang matikman ang ganitong klase ng sabaw? Chemical Weapon Soup mukhang ayaw ko, Coke na lang. Mula sa coca cola Christmas Carol, narito ang Kantang "Ako", maligayang pasko at cheers!~

Ika-5 resulta na matapos ang pag-aasawa ng isang babaeng Tsino ay, Huwag siyang aawayin. Sobrang nakatatakot ang pagiging matandain ng mga babaeng Tsino. Kung makikipagtalo siya, babanggitin niya ang isang parehong pangyayaring naganap noong panahon pa ni kopong kopong iniisip ko, may kinalaman ito sa kanilang kagustuhan ng pagkain ng noodles, mahaba, isa, isa, isa pa, walang-katapusan.

Kung nagtatampo ang asawang Amerikano, puwede mong sabihin "Ok, i am sorry!" tapos, everything is OK, Kung sinabi mo: "Sori" sa inyong asawang Tsino, agarang tinanong niya sa inyo: Saan ka nagkamali ?

Ang mga asawang Tsino, parang isinilang upang baguhin ang kanilang husband, hindi lamang baguhin, kundi sakupin at patnubayan ang lahat ng panahon mo. Kaya pala, walang explorer tulad ni Colombo sa Tsina, dahil bago siya lumisan, tinanong ng asawa niya: saan kayo pupunta, meron bang babae sa bapor? How old is she, maganda ba siya, mas maganda kaysa akin? Paano nya nakilala ang inyong dalawa? tapos, dapat sabihin mo: ok, ok, hindi na ako pupunta. Hindi Merry ang Krismas ng ganitong mag-asawa, agree ba kayo mga listeners ng Pop China? + Ilang pasko pa ba na inihahatid ni Juris Fernandez.

Ika-6 at pang huling reklamo ng Amerikano matapos mag-aasawa ng isang Tsino: pipilitin ang anak mo, isisilang sa Amerika ang baby para mabuhay sila nang masaya, at pambihirang aasa na magiging lider o millionare ang anak. Ang mga Tsino mula pagka bata, pinilit matuto ng piano, martial arts, ballet, wikang Tsino, mathematics…Ang lahat ng bata gustong maglaro pero ito ay ipinagbabawal. Sino mang mag-aasawa ng isang babaeng Tsino, tuluy-tuloy na pakiki-alaman nito ang buhay nila, pagbili ng bahay, tapos, bumili ng isa pa, kung gumradwet ang bata mula sa Ivy League, dapat patuloy siyang maghanap ng doctor's degree, tapos, dapat magtrabaho sa malaking kompanya. Pagkaraang nagdeposito ng isang miliyon dolyares para sa sarili, dapat magdeposito pa ng isa pang milyong dolyares para sa anak.

At dito nagtatapos ang complaint ng isang lalaking Amerikano sa kanyang asawang Tsino, anong palagay ninyo matapos mapakinggan ang lahat ng ito sa mga babaeng Tsino? Welkam kayong mag bahagi ng koments sa pamamagitan ng pag-iiwan ng mensahe sa aming message board o magteks sa 09212572397. Ang naririnig ninyo ang Merry X'mas Darling ni Rico J. Puno. dito, gusto kong ide-dicate ang kantang ito sa buong pamilya ni Ate Mac, dadalaw sila ng Beijing this Christmas  at sana magkaroon sila ng isang unforgettable at extraordinary White Christmas dito sa China.

Pasko na, Pasko na, sa ngalan ng lahat ng miyembro ng Serbisyo Filipino, maraming maraming salamat sa pagsuporta ninyo sa lahat ng programang China Radio Intl sa taong 2012. Umaasa kami na patuloy namin kayong makakapiling sa 2013 lalo na dito sa Pop China ako si Sissi, ang inyong happy ever happy DJ. love you all, God Bless!

I-klik lamang ninyo ang "Like " button ng aming facebook account "CRI Filipino Service"

Pop China Ika-50 2012
Pop China Ika-49 2012
Pop China Ika-48 2012





                  More


Back to Top                                                                                   Pasok sa Mtime

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>