Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-8 2013

(GMT+08:00) 2013-03-12 14:53:37       CRI

Sapul nang magkaroon ng isang sweet na sweet na baby girl, naging napakatender at napakasentimental ng puso ko. Madalas na iniisip ko kung magiging ano siya paglaki niya at hindi ko kayang tiisin ang mga bata at nananatiling nakangiti sa lahat ng baby na nakakasalubong ko sa kalye. Noong isang linggo, nabasa ko ang isang kawili-wiling artikulo na may kinalaman sa love sa mata ng mga bata. Tiyak na pamilyar na pamilyar na kayo sa mga sinasabi nito, pero, okay lang naman siguro kung muli ninyo itong tunghayan kasama ni Sissi at ng hottest hits na kaloob ng mga super idols, di ba? Ok, sa tulong ni Justin Timberlake at kanyang hottest hits-"suit and tie", simulan natin an gating biyahe sa gabing ito.

One time, tinanong ng isang grupo ng mga professional people ang ilang bata na mula 4 hanggang 8 taong gulang kung ano ang ibig sabihin ng love at ang mga sagot niya ay out of the imagination ng nakararaming tao.

Sabi ni 8 taong gulang na Rebecca, pag sinusumpong ng arthritis ang lola ko at hindi niya kayang yumuko para pahiran ng nail polish ang kanyang toernails, tinutulungan siya ng lolo ko, at patuloy na ginagawa ito ni Lolo tuwing sinusumpong ng arthritis si lola. Ito ang love.

Sabi ni 4 taong gulang na Billy, noong ma-in love sa inyo ang isang tao, ginawa niyang espesyal ang pagtawag sa pangalan ninyo, at nakaramdam kayo ng kapayapaan sa puso.

Sabi ni 6 taong gulang na Chissy, ang love ay... habang kumakain kayo sa labas, ibinibigay ninyo ang nakararaming French fries sa kanila at hindi naghihintay na ibigay ang kanila sayo.

Sabi ni 4 taong gulang na si Terri, ang love ay...kung pagod na pagod kayo, nagagawa pa rin ninyong ngumiti sa kabila nito. How about it? Mas Philosophical ang mga sinasabi ng ilang masters of love, di ba? this is love, this is life. kantang "this is life" na ibinigay ng Bamboo. Napuna ko na ang boses ni Bamboo Mañalac ay parang kay Bruno Mars. Pareho rin ang istilo ng musika.

Ok, pagkaraang mapakinggan ang kantang hatid ng Bamboo, patuloy nating kasiyahan ang meaning ng love sa mata ng mga bata.

Sabi ni 7 taong gulang na Danny, ang love ay, kapag nagtitimpla ng kape si Nanay para kay Tatay, bago niya ito ibigay kay Tatay, tinitikman niya muna ito para masigurong tama ang lasa.

Sabi ni 5 taong gulang na Bobby, sa silid na punung-puno ng aginaldo, itinigil ninyo ang pagbubukas ng mga kahon at pakinggan ang mga ito. Naroon ang love.

Sabi ni 8 tanong gulang na Emily, ang love ay, madalas na paghahalikan at pagkaraang magsawa rito ay patuloy pa ring magkasama at madalas na magka-tsat. Ganyan ang nanay at tatay ko. They're so disgusting pag naghahalikan.

Sabi naman ni 6 taong tulang na Nikka, kung gusto ninyong magmahal nang lubos, dapat simulan ninyo ang inyong love sa taong labis ninyong kinapopootan.

Sabi ni Noelle, 7 taong gulang, ang love ay...pagkaraang sabihin mo sa isang lalaki na gusto mo ang kanyang shirt at isinuot niya ito araw-araw.

Sabi ni 6 taong gulang na Tommy, ang love ay parang isang matandang babae at isang matatadang lalaki, na nananatili pa ring matalik na magkaibigan pagkaraang lubos na makilala nila ang isa't isa. May mga tao na nagkakalayo pagkaraang makilala ang isa't isa at may mga tao ring nagkakaibigan sa isa't isa pagkaraang makilala nila nang lubos ang isa't isa. Kantang "Never Leave" na inihahatid ni Terry Lin. Love, never leave.

Sabi ni Elaine, 5 na taong gulang, pinipili ni Nanay ang pinakamagandang piraso ng chicken at iyon ang ibinibigay niya kay tatay. iyan ang love.

Sabi naman ni Chris, 8 taong gulang, ang love ay... kapag pinagmasdan ni Nanay si Tatay, na sa mga oras na iyon ay amoy pawis at sinabi niya na mas guwapo ito kaysa kay Robert Redford.

Sabi ni 4 na taong gulang na Mary Ann, ang love ay kapag diniladilaan ang mukha mo ng aso mo pagkaraang iwanan mo ito nang nag-iisa buong araw.

Sabi ni Lauren, 4 na taong gulang, alam ko, mahal ako ng elder sister ko, kasi, ibinibigay niya ang lahat ng damit niya sa akin at kailangang lumabas para bumili ng bago.

Sabi ni 4 taong gulang na Bethany, lagi akong binuro ng elder sister ko at sabi ng nanay ko na ito raw ay dahil mahal niya ako, kaya, binuro ko rin ang baby sister ko dahil mahal ko siya.

Sabi ni Karen, 7 years old, kung mahal mo ang isang tao, your eyelashes go up and down at little stars come out of you.

Sabi ni Mark, 6 years old, ang love ay…kung makikita ni Nanay na nagsi--CR si Tatay, hindi niya ni minsang ipinalalagay na disgusting ito.

Sabi ni Jessica age 8, hindi dapat sabihin ang katagang "mahal kita" kung ayaw ninyo, pero, kung gusto ninyo, dapat paulit-ulit itong sabihin dahil nalimutan na ito ng maraming tao. Sinabihan ba ninyo ng "mahal kita" ang inyong mahal sa buhay ngayong gabi.

I-klik lamang ninyo ang "Like " button ng aming facebook account "CRI Filipino Service"

Pop China Ika-7 2013
Pop China Ika-6 2012
Pop China Special


                  More


Back to Top                                                                                   Pasok sa Mtime

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>