Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-46 2013

(GMT+08:00) 2013-12-09 18:23:19       CRI
Sampung Pinakamahal na Bottled Water sa Buong Daigdig

Zajecicka 32$/1 liter- Pinoprodyus ang Zajecicka bitter water sa Czech Republic. Nitong ilang daang taong nakalipas, laging hinahanap ang brand na ito ng mga miyembrong royal sa Europa. Sa pamamagitan ng puro at natural na elementong mineral sa tubig, puwedeng mabisang alisin nito ang iba't ibang toksin sa loob ng katawan, dagdagan ang nakakabuting trace elements at pabutihin ang kalusugan sa bandang huli.

10 Thousand BC 12.92$/375ml- Ang tubig ng naturang bottled water ng Kanada ay galing sa glacier na may 10 libong taong kasaysayan. Walang tirahan ng mga tao, walang anumang polusyong industriyal. Kung gustong pumunta sa lugar na ito, kailangang gumugol ng tatlong araw sakay ng bapor. Dahil sa kahirapan sa paggagalugad, natural lamang na mahal ang presyo nito.

VOSS, 17 Euro/375ml- Ang VOSS natural water, na itinuturing na pinakapurong tubig sa buong daigdig, ay galing sa isang malinis na lupa sa katimugan ng Norway kung saan walang polusyon. Ang tubig doon ay may mababang elementong mineral at walang sodium. At para maigarantiya ang pagiging dalisay ng tubig, binili ng kompanya ang lahat ng tubig sa lokalidad. Kahit mga residente sa lokalidad dapat kumuha ng tubig sa malayong lugar para sa pang-araw-araw na pangangailangan.

Tasmania, 75$/750ml - Para sa mga environmentalist, ang pinakapurong tubig, marahil, ay galing sa langit o tubig-ulan. Ang Tasmania water ay galing sa rain water ng Australya, at ang sisidlang boteng ginamit ay recycled glass, pero ang tubig na ito ay ipinagkakaloob lamang sa mga VIP ng Ritz-Carlton at iba pang high-class hotels.

Bling H2O 90$/750ml-Ang tubig na Bling H2O ay galing sa Estado ng Tennessee ng E.U., kumpara sa tubig, mas kaakit-akit ang bote nito. Sa katawan ng bote, may nakabaon na 64 na Swarovski crystal, at ang takip nito ay gawa sa tapon sa halip ng plastic o bakal at itinayo ang tindahan sa kilalang Beverly Hills at madalas na lumitaw sa mga okasyong tulad ng MTV music award o Emmy Awards at naging paboritong tubig ng mga celebrity.

Chateldon, 145$/750ml- Noong taong 1650, nang maghari si LouisXIV ng Pransya, regular na hinihiling niya sa mga sundalo na kumuha ng tubig sa Chateldon sa Timog Gitna ng Pranya at dalhin sa Versailles Palace para inumin ng mga miyembrong royal. Ang tubig sa lugar na iyon ay may maliliit at tender na bula at kaunti lamang ang acid content at mayaman sa elementong mineral. Sapul nang panahong iyon, ang CHATELDON ay naging mineral water na pinangangalagaan ng pamahalaan ng Pransya, na itinakda na hindi lalampas sa 1 milyong liter ang ipoprodyus sa bawat taon.

Mastermind JAPAN x Fillico Jewelry Water, 200$/720ML-ang mastermind ay isang napakasikat na fashion brand sa Hapon, noong taong 2009, nakipag-collaborate ito sa kilalang Fillico mineral water at ipinalabas ang limited edition na mastermind JAPAN x Fillico Jewelry Water. Sa katawan ng bote, bukod sa logo ng Matermind, may nakabaong skull na gawa sa Swarovski Crystal, mayroon pang label na nagsasabing "I love you," "Congratulations," "Thank you," at "Good luck."

Kona Nigari, 2000 $/ 5 liter- Ang Kona Nigari water ay galing sa Hawaii ng Estados Unidos. Pina-pump ng manufacturer ang sea water mula sa isang kilometrong lalim ng dagat at pagkatapos ipinapasailalim sa desalination. Mayaman ang tubig na ito sa mga elementong mineral ng dagat at, ayon sa manufacturer, nakakatulong ito sa pagpapabawas ng timbang, pagpapaganda at pagpapahupa ng presyur.

Fillico, 500$/720ML- Ang Fillico mineral water ng Hapon ay galing sa bitak ng granite na 800 metro sa ibabaw ng Kobe Prefecture. Ang decoration sa katawan ng bote ay gawa sa Swarovski Crystal at ginto, at ang gap ay idinesenyo sa ayos ng pakpak ng angel at korona na gawa sa ginto o pilak. Lubhang katangi-tangi ang balot nito kasama ng maluhong materyal, kaya kapag naubos na ang isang bote ng tubig, manghihinayang kayong itapon ang basyong bote.

Altamirano, 60000$ -Para sa mga tao na gustong makolekta ng bote, totoong maakit makit ang Altamirano na idinesenyo ni Fernando Altamirano, ang bote ay ginawa ng kalahating salamin at kalahating ginto, umabot sa 60 libong dolyares bawat bote ang Altamirano. Ang tubig sa loob ng bote ay isang mixture ng mga spring mula sa buong daigdig, ang kita na nakalap ay mag-aabuloy sa fund of anti global warming. Bagay na bagay sa mga mayaman kung gustong gumawa ng charity.

May Kinalamang Babasahin
popchina
v Pop China Ika-45 2013 2013-12-04 17:26:56
v Pop China Ika-44 2013 2013-11-25 18:30:14
v Pop China Ika-43 2013 2013-11-19 15:59:42
v Pop China Ika-42 2013 2013-11-13 17:18:57
v Pop China Ika-41 2013 2013-11-13 16:45:00
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>