Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-12 2014

(GMT+08:00) 2014-04-07 17:37:15       CRI

Naging mas exciting ang pagpapatugtog ng musika dahil sa inyo!Magandang magandang gabi po, mga lovely kong kaibigang Filipino. Sabado na naman ng gabi, anong ginagawa ninyo? Ako si Sissi, inyong niyong sweetest DJ na nagpapaabot ng kanyang sweetest hello sa inyong lahat dito sa Beijing.

Pagpasok ng Pebrero, samantalang patuloy na ipinagdiriwang ng sirkulong musikal ng Tsina ang lunar new year, sa ibayong dagat-- Europa at Amerika-- abala naman ang mga mang-awit sa paghahanda para sa kanilang singing tours at malaking performances. Buong lakas na nagsisikap ang mga star para sa kanilang karera at pera.

Noong ika-2 ng Pebrero, idinaos ang taunang pinakamataas na paligsahang Super Bowl ng Amerika. Pero, kumpara sa football, mas interesado ang music fans sa buong daigdig sa performance sa half time, Tingan natin ang namelist ng mga singer na nagpaistar minsan sa super bowl-- sina Micheal Jackson, Madonna at Bonyce. Ang pagpe-perform sa super bowl ay isang palatandaan ng popularidad at pagkatapos ng performance mas lalo pang madadagdagan ang kasikatan. Sa taong ito, umakyat sa stage na ito ang Filipino-American na si Bruno Mars.

Bilang isang singer at songwriter na isinilang noong 1985, sa pamamagitan ng limang kanta 13 minutong tuluy-tuloy na pagtatanghal, nakakuha si Bruno Mars ng mahigit 115 milyong viewing rate, na naging bagong rekord nitong 20 taong nakalipas at mas malaki kaysa 110 milyon at 110.8 milyong person/time nina Mondana at Byonce. Gayunman, medyo maliit ito kumpara sa pinalamalaking numerong nilikha ni Micheal Jackson noong 1993.

Ang super bowl show ay hindi lang isang malaking pangyayari para sa mga music fans, kundi isang plataporma ng mga mang-aawit sa pagtitipon ng popularidad at pinakamagandang spring board sa karera. Sa araw ng performance, ang dalawang ablum ni Burno Mars na Unorthodox Jukebox at Earth To Mars ay bumenta ng 50 libong kopya bawat araw mula sa dating 15 libo.

Dahil hindi puwedeng umakyat sa super bowl at makatawag ng pansin ng buong daigdig at samantalahin ang pagsisimula ng isang bagong taon, matalino naman ang choice ni Tylor Swift na magdaos ng world singing tour. Pagkaraang ma-publisize ang kanyang promotional video clip ng world singing tour para sa taong 2014, noong isang linggo, pormal na sinimulan niya ang kanyang konsiyerto sa London.

At sa kanyang pagpapahinga, ipinalabas pa ni Tylor ang behind the story ng kanyang pagsu-shoot ng commercial—t-shirt na stripes, shorts, kasama ng pure color na sports shoes. Biglang naamoy ng mga manonood ang samyo ng tag-init.

Dahil wala rin lang nakatakdang iskedyul ng pagdaraos ng konsiyerto, minabuti na lang na dumalo sa mga aktibidad at makatanggap ng palakpak para sa kanilang bagong kanta. Noong isang linggo, sa kanyang paglahok sa isang music program inawit ni Miley Cyrus ang kanyang bagong kantang "Rooting for My Baby" na nakalakip sa bagong edisyon ng kanyang album na unang na-publisize noong Hulyo ng taong 2013.

Bukod kay Miley Cyrus, ang isa pang star na pumiling unang ipalabas ang kanyang bagong kanta sa ibayong dagat ay ang 34 taong gulang na singer at song writer na si Sara Bareilles. Bagama't hindi siya kilala sa bansang dayuhan, sa loob ng US, popular na popular siya. Lampas sa isang milyon ang benta ng kanyang album at nakatanggap pa siya ng tatlong Grammy nominations.

May Kinalamang Babasahin
popchina
v Pop China Ika-12 2014 2014-04-07 17:37:15
v Pop China Ika-11 2014 2014-04-07 16:44:35
v Pop China Ika-10 2014 2014-04-07 16:43:31
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>