
Ang aming huling pinuntahan ay ang Tianjin eye. Isang malaking ferris wheel ang Tianjin eye. Ito ang nag-iisang ferries wheel sa mundo na itinayo sa isang tulay. Ito din ang ika-anim na pinakamalaking ferris wheel sa buong mundo. Isa lamang ito sa apat na ferris wheel sa buong china. Ito ay binubuo ng 48 na capsules at8 tao ang maisasakay sa bawat capsule. 30 minutos ang itinatagal ng buong pag-ikot.

Tanawin ng Tianjin mula sa loob ng Tianjin Eye
Mas maganda kung gabi pumarito dahil makikita mo ang mga makulay na ilaw ng Tianjin. Kita mo din ang Hai River ng Tianjin sa ibaba nito. Matapos niyo sumakay sa Tianjin Eye, maaari kayong sumakaya naman sa barko na iikutin kayo sa Hai River. Para sa akin isa ito ang isa sa pinakaromatikong lungsod sa Tsina. Isang napakagandang lugar sa mga nagmamahalan at nagliligawan o mga magkakaibigan na nais magenjoy ng lubusan sa maikling panahon.
Related: The Fifth Avenue sa Tianjin (2011.08.29)
Tianjin's Antiques City (2011.08.22)
Tianjin's Gulou (2011.08.15)
Ang Romantikong Syudad ng Tianjin (2011.08.08)