Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mooncake Festival, ano ba ito?

(GMT+08:00) 2011-09-15 15:39:39       CRI

Ang pinagmulan

Ang "Mid-Autumn" o "Mooncake Festival" ay isang tradisyunal na kapistahan para sa mga Han (mayoryang etnikong nasyonalidad ng mga Tsino) at mga minoridad. Ang tradisyon na ito ay kinabibilangan ng pagbibigay galang sa buwan o iyong tinatawag na "xi yue" sa wikang Tsino na nagsimula noong panahon ng sinaunang dinastiya ng Xia at Shang (2000 B.C.-1066 B.C.).

Pagsapit ng gabi, ang mga tao ay namamasyal at naglilibang sa ilalim ng liwanag ng kulay pilak na buwan kasama ang pamilya't mga kaibigan.

Mula noong Dinastiyang Ming (1368-1644 A.D.) at Qing (1644-1911A.D.), ang tradisyon ng pagdiriwang ng Mid-Autumn Festival ay naging napakapopular.

Kasama rin sa tradisyon na ito ang pagsusuot ng makukulay na kasuotan, pag-inom ng alak, at siyempre, ang pagkain ng mooncake (hopyang munggo) bilang pagbibigay pugay sa buwan.

Sa kasalukuyan

Opisyal nang pumasok sa panahon ng taglagas o autumn ang lunsod ng Beijing at mga pook sa hilagang Tsina. Ang mainit na klima ng tag-init ay napalitan na ng malamig na simoy ng hangin, ang mga taong naglalakad at namamasyal sa lansangan at mga parke ay mabibilang na lamang sa daliri ng mga kamay, ang mga nagtitinda sa gilid ng kalsada ay halos wala na, at ang mga kasuotan ay unti-unti nang nagbabago, mula sa maninipis at maikling damit patungo sa mahahaba at makakapal na kasuotan. Ito ang kapansin-pansing pagbabago na karaniwang makikita ngayon sa Beijing.

Kasabay ng metamorposis na ito, ay ang pagdiriwang ng mga Tsino ng "Mooncake Festival" o "Mid-Autumn Festival." Bilang isang expatriate dito sa Tsina, hindi ako gaanong pamilyar sa kapistahang ito. Bagamat ipinagdiriwang din ito sa Pilipinas ng ating mga kababayan na may dugong Tsino, hindi ko pa rin maintindihan, sa kabuuan ang tunay na kahulugan ng kapistahang ito.

Dahil diyan, ako ay nagsaliksik at nagtanung-tanong kung ano ba talaga ang kahalagahan nito sa kultura at mga mamamayang Tsino. Ito po ang kuwento ng "Mooncake Festival" mula sa likod ng aking kamera.

Batay sa aking mga narinig at nakita, ang kapistahang ito ay tungkol sa pamilya at mga kaibigan; ang muling pagsasama-sama ng lahat ng mga miyembro ng pamilya at pagkikita-kita muli ng magkakaibigan.

Pasok sa aking blog

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>