|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Magandang magandang gabi mga katoto, kapanalig, at kabarkada. Welcome muli sa programang may tatak Tsina at pusong Pinoy, ang Dito lang 'Yan sa Tsina. Ito po ang inyong host, ang guwapong Tarlakenyo, Lakay Rhio. Ang edukasyon ay isang napakaimportanteng bahagi ng ating buhay sa pangkasalukuyan. Saan mang panig ng mundo, binibigyan ito ng empasis mula sa murang edad pa lamang ng mga kabataan. Ito ay hindi rin naiiba sa bansang Tsina. Sa ating episode ngayong gabi na pinamagatang "Estudyante Blues," bibigyan natin ng tuon ang edukasyon sa Tsina at ang mga karanasan ng mga estudyante, lalo na, kung dumarating ang panahon ng kanilang pagsusulit.
Sa Tsina, ang mga bata ay nagsisimulang pumasok sa preschool, o kindergarten sa edad na 3 hanggang 5 taong gulang. Pagkatapos nito, papasok naman sila sa primary school o elementarya sa edad na 6 hanggang 12 taong gulang. Ang kasunod ay ang sekondarya o ang tinatawag sa Tsina na middle school, sa edad na 12 hanggang 18 taong gulang. Ang middle school ay nahahati sa dalawang bahagi: ang unang tatlong taon ay tinatawag na junior middle school na kompulsaryong dapat pag-aralan; at iyong natitirang taon, mayroong opsiyon ang mga estudyante na kumuha ng espesyal o bokasyonal na aralin, subalit hindi na ito kompulsaryo.
Pagkatapos ng kanilang pagtatapos, at maipasa ang national entrance exam sa mga unibersidad, maari na silang mag-aral sa kolehiyo at magpatuloy sa graduate studies.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |