Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mandirigmang Terakota ng Tsina

(GMT+08:00) 2012-06-15 09:25:06       CRI

Mga kaibigan, napanood na po ba ninyo ang pelikulang "The Mummy III" na tinampukan nina Brendan Frazier at Jet Li? Kung napanood na ninyo ito, sigurado akong marami ang humanga sa mga special effects at iyong mga nabuhay na terracotta army ng emperador ng dinastiyang Qin na ginanapan ni Jet Li. Pero, teka muna. Bago tayo tumuloy sa ating programa, lilinawin ko lang po na hindi po ito ang programang "Pelikulang Tsino, Nood Tayo" ni Machelle Ito po ang progrmang "Dito Lang 'Yan Sa Tsina." Kung bakit po natin tinatalakay ang nasabing pelikula? Ito po kasi ay may kinalaman sa paksa natin ngayong gabi tungkol sa bagong tuklas na mga mandirigmang terakota sa lunsod ng Xian, na siya ring tahanan ng terracotta army ng Qin Dynasty.

Ang Dinastiyang Qin (227BC hanggang 207BC) ay ang dinastiyang bumuo sa Tsina o ang unang dinastiyang naghari sa Tsina. Unti-unting tinalo ng Qin ang mga naglalabang kaharian, o iyong tinatawag na "Warring States" at binuo ang isang bansa. Ang unang emperador ng Dinastiyang Qin ay si Qin Shi Huang, na siya ring nagpaumpisa ng paggawa ng pader na may habang mahigit sa 8,800 kilometro; ang Great Wall of China. Ito ay ginawa bilang pananggalang sa mga barbarong tribo mula sa Hilaga. Bago mamatay ang emperador, ipinagutos niyang gawan siya ng isang mala-palasyong musoleo at mga sundalong gawa sa luwad na kasama niyang ililibing sa kanyang pagkamatay. Sa ngayon, ang mga sundalong ito ay tinatawag nating Terracotta Army.

Noong 1974, isang grupo ng mga magsasaka ang naghuhukay at naghahanap ng tubig sa Xian at sa kagandahang-palad, aksidente nilang nadiskubre ang kinaroroonan ng isa sa mga butas na pinaglibingan sa mga mandirigmang terakota. Simula noon, maraming paghuhukay at pag-aaral ang ginawa ng pamahalaan ng Tsina upang mahanap ang mga mandirigmang ito. Kaya, naipaalam sa buong mundo na mayroong terracotta army si Emperador Qin Shi Huang. Subalit, dahil sa kakulangan sa teknolohiya noong mga panahon ng naunang paghuhukay, inihinto ito dahil kung pipiliting iahon ang ilan pang natitirang mandirigma, baka ang mga ito ay masira lamang. Pero, kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya sa arkeyolohiya, nagdesisyon ang pamahalaan ng Tsina noong 2009 na muling isagawa ang paghuhukay upang maiahon lahat ng mga natitirang mandirigma. Ibat-ibang mga lider din ng ibat-ibang bansa ang pumasyal at sumilip sa kinaroroonan ng mga mandirigmang ito, at isa na riyan si dating Pangulong Bill Clinton ng Amerika. At kamakailan lamang, natuklasan ng mga arkeyologo ang ilan pang importante at makasaysayang bagay sa "Pit No. 1" ng terracotta army.

Ilan sa mga bagong diskubreng mga bagay sa Pit No. 1, ay ang mahigit 310 relikya mula sa hilagang bahagi ng Pit No.1, kasama na ang120 terracotta figurines at 12 kabayo.

Sa mga nabanggit ay isang higanteng mandirigma na may taas na 2.5 metro, at may de-kolor na panangga na may habang 60 sentimetro at may lapad na 40 sentimetro. Ito ay mas malaki ng dalawang ulit kumpara sa nadiskubre noong 1980.

Maliban diyan, ang mga bagong diskubreng mandirigma ay may kanya-kanyang ekspresyon sa mukha at ang baluti ng mga mataas na opisyal ay mas magaganda ang disenyo kumpara sa mga ordinaryong sundalo. Nakita rin ng mga eksperto ang mga ibat-ibang pang-araw-araw na kagamitan ng mga sundalo na kinulayan, at may kulay din ang kanilang mga baluti. .Ayon pa rin sa mga arkeyologo, nakita rin nila ang mga ebidensya ng panununog sa mga mandirigmang terakota. Ibig sabihin, mayroong mga taong nagtangkang sunugin ang mga ito bago pa man tuluyang ilibing. Ayon sa kanila, maaring ang mga taong nagtangkang manunog ay mga kalaban ng Qin, nang mga panahong pabagsak na ito.

Narito po ang programang "Dito Lang 'Yan Sa Tsina:

 

 

 

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>