Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Hayop sa kagubatan, dapat pangalagaan

(GMT+08:00) 2012-10-26 15:22:11       CRI

Sa ngayon, patuloy na lumalakas ang katayuan ng middle class ng Tsina. Kakabit nito ang pagtaas din ng kanilang kakayahan upang magbiyahe sa labas ng bansa, bumili ng mga mamahalin at eksotik na bagay, katulad ng mga produktong mula sa mga hayop, at iba pa. Dahil dito, unti-unting tumaas ang bilang ng mga mangangaso sa Aprika at iba pang panig ng daigdig na humuhuli ng mga elepante, rhinoceros, leon, etc., upang sila ay gamitin bilang pangunahing sangkap sa paggawa ng mga mamahaling bagay na gaya ng sapatos, bag, dekorasyon, at alahas.

Mga pangil ng elepante na nasamsam ng Bureau of Customs ng Hong Kong

Gayunpaman, dahil sa tulong ng ibat-ibang sektor ng lipunan, mga NGO, pamahalaan, at ilang mga Tsino na nag-aalay ng panahon at pawis upang mapangalagaan ang mga yamang gubat na ito, unti-unting nagkakaroon ng pagbabago sa takbo ng mga pangyayari. At iyan po ang magiging sentro ng ating paksa ngayong gabi.

Maging ilan po sa mga malalaking personahe sa Tsina, katulad ni Li Yuchun, isa sa pinakakilalang pop singers ay bumisita sa ilang konserbatoryo ng kalikasan sa Kenya noong mga unang dako ng Oktubre upang pataasin ang kamalayan ng mga mamamayang Tsino hinggil sa pangangalaga ng mga hayop na ito.

Si Yao Ming din ay nagtungo sa Kenya noong Setyembre upang suportahan ang kampanyang ito. Ipinangako niyang ipapalaganap sa mga Tsino, na ang pagbili ng mga produkto mula sa mga "nanganganib na maubos" na mga hayop ay di-katanggap-tanggap.

Hayop na naging biktima ng pangangaso

Sabi pa ni Yao, "kaming mga Tsino ay siguradong magagalit kapag may pumatay ng aming mga Panda. Kaya, dapat lamang na mag-aalala kami sa kalagayan ng mga elepante, rhinoceros, at leon sa Aprika."

Bukod po sa mga nabanggit naming personahe, mayroon pa pong isang tao na ibinubuhos ang kanyang lakas, enerhiya, at panahon sa pangangalaga ng mga hayop na ito. Siya ay si Zhuo Qiang na kilala rin sa tawag na "Simba," na nangangahulugang leon sa wikang Swahili.

Si Zhuo Qiang, ang Tsinong leon, habang pinagmamasdan ang kagubatan ng Kenya

Siya ang nagtayo ng Mara Conservation Fund, at nagpasimula ng kanyang sariling grupong pamatrolya noong 2011. Ang kanyang intensyon ay protektahan ang mga leon at iba pang mga hayop sa Masai Mara Nature Reserve ng Kenya. Magmula noon, maraming mga mayayamang Tsino sa kanyang mga pagsisikap sumuprota sa kanyang adhikain.

Si Zhuo ay ipinanganak noong 1973, siya ay dating empleyado ng isang lokal na pamahalaan at may magandang katayuan sa lipunan. Noong taong 2004, edad treinta 'y uno (31) anyos, una siyang bumisita sa Aprika at magmula noon, nagbago na ang takbo ng kanyang buhay.

Pangil ng elepante

Aniya pa, "giving up all those things appeared insane to my parents and my wife." Napakahirap daw para sa kanyang pamilya na maintindihan kung gaano kaimportante sa para sa kanya ang pangangalaga sa mga hayop.

Si Zhuo ay kasalukuyang nakatira sa Masai Mara Nature Reserve Park. Ang kanyang mga naipon at panaka-nakang donasyon mula sa mga mabubuting loob ang bumubuhay sa kanyang grupong pamatrolya na binubuo ng mga lokal na mamamayan. Maliban sa kanyang walang suweldong araw-araw na pamamatrolya, mayroon pa siyang bagong misyon —— ito ay ang pagpapalaganap ng impormasyon upang itaas ang kamalayan ng mga bumibisitang Tsino sa Aprika at kanyang mga kababayan sa mainland hinggil sa pangangalaga sa mga hayop na ito.

Kailangan aniyang malaman ng mga Tsino kung gaano kagrabe ang situwasyon ng mga hayop dito sa Aprika. "Kailangan nilang huminto sa pagbili ng mga produktong gawa sa katawan ng mga hayop na ito, para bumaba ang demand at tuluyang mawala ang pangangaso," aniya pa.

Pinagbubuhusan ng pansin ni Zhuo ang pagpapataaas ng kamalayan ng mga batang Tsino. Bakit? Una, dahil sila ang magmamana ng hinaharap. Pangalawa, malaki ang kanilang impluwensya sa kanilang mga magulang. Maari nilang sabihin sa kanilang mga magulang na huwag tangkilikin ang mga produktong mula sa mga "nanganganib na maubos" na mga hayop.

"Sa kasalukuyan, ang mga kabataang Tsino ay may mas magandang edukasyon at naiintindihan nila na dapat protektahan at pangalagaan ang kalikasan," dagdag pa ni Zhuo. Gumagamit din si Zhuo ng online social networks para isapubliko ang kanyang mga mithiin.

Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 1,000 estudyante sa kolehiyo mula sa mahigit 300 unibersidad sa Tsina ang sumusuporta sa programa. Aniya pa, iyong mga nagpapakita ng matinding dedikasyon at determinasyon ay binibigyan niya ng pagkakataon na makabisita sa Masai Mara Nature Reserve Park upang personal nilang makita ang mga pagsisikap na ginagawa ng kanyang grupo.

Ayon naman kay Ge Liwen, bagong gradweyt at responsable sa pangangalap ng mga bagong miyembro ng grupo ni Zhuo sa Tsina, tumaas ang kamalayan ng mga bansang gaya ng Kenya at South Africa hinggil sa pangangalaga ng kalikasan at mga hayop na naninirahan dito. Pero, simula pa lamang aniya ito, malayo pa ang dapat na lakbayin upang matamo ang kanilang mithiin.

 

 

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>