|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||

Ang Rainbow Flag ay isang symbol ng mga Gays
Sa lipunang Tsino, katulad din sa lipunang Pilipino, isa sa mga responsibilidad ng mga lalaki ay ipagpatuloy ang pangalan ng pamilya. Kaya naman, mas gusto ng karamihan sa mga magulang na Tsino ang anak na lalaki kaysa anak na babae. Ito rin ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng di-balanseng bilang ng mga lalaki at babae sa Tsina.
Isa na rin pong problemang panlipunan ngayon sa Tsina ang patuloy na paglaki ng bilang ng mga lalaki kaysa sa mga babae. Ayon sa pananaliksik, ang mas maraming bilang ng mga lalaki ay maaring magresulta sa pagtaas ng krimen at paglabag sa karapatan ng mga kababaihan.
Dahil din dito, marami sa mga binatang Tsino ang nahihirapang maghanap ng kasintahan
Pero, sa kalagitnaan ng animo'y "battle of the sexes," saan naman kaya lalagay ang mga Lesbian, Gay, Bi-sexual, at Transvestite (LGBT)? Di katulad sa Pilipinas at iba pang bansang Kanluranin: dito sa Tsina, sa kabila ng maraming pag-unlad at inobasyon sa ekonomiya, teknolohiya, kultura, at iba pa, hindi pa rin ganoon kabukas ang lipunang Tsino sa mga LGBT.

Sa iba't ibang bansa, idinaos ang mga pagtitipon-tipon ng mga LGBT
Sa isang lipunang umaasa sa mga kalalakihan upang ipagpatuloy ang pangalan ng pamilya, napakahirap para sa mga magulang na tanggapin na nabibilang sa pangatlong kasarian ang kanilang anak.
Mga kaibigan, bilang pambungad na episode ng ating programa sa 2013, narito po ang isang pagsisikap upang mailarawan ang kalagayan ng mga LGBT sa Tsina.

| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |