Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Xi Jinping, "Rockstar President"

(GMT+08:00) 2013-01-31 15:03:19       CRI

 

Sa pagdaraos ng Ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), nahalal si Xi Jinping bilang Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral. Siya rin ay nakatakdang humalili kay Hu Jintao bilang Pangulo ng Tsina sa Marso ng susunod na taon.

Mula nang maupo siya bilang pangkalahatang kalihim, sinimulan ni Ginoong Xi ang ilang pagbabago sa pamamalakad ng pamahalaan. Kabilang sa mga ito ang paraan kung paano makisalamuha ang isang mataas na opisyal sa kanyang mga nasasakupan, paglaban sa korupsiyon, pagtatayo ng maginhawang lipunan, pag-abot sa "Chinese Dream," pamumuno sa pamamagitan ng halimbawa, hindi paggamit ng "wang-wang," pagtanggal sa mga hindi kailangang pormalidad, at marami pang iba.

Dahil sa mga ito, maraming mga Tsino ang nagkaroon ng malaking pag-asa at kompiyansa sa pamumuno niya. At dahil din sa kanyang mga halimbawa, marami ang tumatawag sa kanya na "Pangulo ng Masa." o "Rockstar President."

Si Xi Jinping ay ipinanganak sa isang pulitikal na pamilya. Isinilang siya noong 1953, sa probinsyang Shaanxi, at sa murang edad na 16 na taong gulang, nagsimula na siyang magtrabaho. Siya ay nagtapos sa kursong Marxist Theory and Ideological Education sa Tsinghua University, at mayroong doctorate degree sa batas.

Sumapi siya sa Partido Komunista ng Tsina (CPC) noong Enero 1974, at simula noon, hinawakan niya ang ibat-ibang posisyon, magmula sa Pangalawang Kalihim ng Komite ng CPC sa Zhengding County ng probinsyang Hebei; hanggang sa Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC.

Nang pumunta si Xi Jinping sa Shenzhen, probinsya ng Guangdong noong nakaraang Biyernes, para sa 2 araw na inspeksyon, hindi na nakakapagtaka na nakaakit ito ng malaking atensyon mula sa media. Ito kasi ang unang pagbisita ni Xi sa labas ng Beijing, pagkatapos niyang maging pangkalahatang kalihim ng CPC noong Nobyembre.

Gayunman, sa halip na magpokus ang media sa kung ano ang kanyang sinabi, sino at ano ang kanyang ginawa, ang kanilang pinagbuhusan ng atensyon ay ang paraan ng pagdating ng pangkalahatang kalihim ng CPC. Taliwas sa nakagawian, dumating siya ng walang panalubong na grupo, walang mga banderitas, walang red carpet, hindi kinontrol ang daloy ng trapiko, hindi isinara ng mga pulis sa mga ordinaryong motorista ang mga kalyeng kanyang daraanan, at walang "wang-wang."

Ayon sa Phoenix TV ng Hong Kong, "the roads in the Qianhai experimental zone were just as normal. A motorcade of eight cars arrived at about 3:30 in the afternoon, but not a single welcome banner was seen and neither were the usual cheering crowds."

Kung ikukumpara sa mga nakaraang lider Tsino, si Ginoong Xi ay may kakaibang diskarte. Ang kanyang pananaw sa kinabukasan at kung paano pauunlarin ang bansa ay malayo rin sa mga gawi ng mga naunang lider Tsino. Dahil dito, maraming mga tao ang optimistiko sa kanyang pamamahala.

Noong nakaraang Martes, pinamunuan ni Xi ang pulong ng Political Bureau ng CPC Central Committee. Sa pulong na ito pinagtibay ang detalyadong mga hakbang para supilin ang red tape at mga pormalidad na di-naman kailangan sa burukrasiya. Kabilang sa mga ito ang pagbabawas sa bilang ng mga pulong, gawing mas eksakto at maikli ang mga dokumento hinggil sa polisiya, pagbabawas ng pagkontrol sa daloy ng trapiko kapag may mga matataas na opisyal na dumarating, at pagtitipid.

Ayon pa rito, ipinagbabawal na ang mga welcome banners, red carpet, floral arrangements o mararangyang resepsyon para sa mga opisyal na dumarating.

Bawal na rin sa mga miyembro ng Political Bureau ang pagsasapubliko ng mga monograph at pagpirma ng autograph.

Dagdag pa riyan, ang lahat ng miyembro ng Political Bureau ay kinakailangang mamuno sa pamamagitan ng halimbawa. Ang lahat ng regulasyon at polisiya ay kailangan munang iimplimenta sa mga miyembro ng Politburo bago ipatupad sa mga mamamayan.

Kaugnay nito, sa isang pulong, 2 miyembro ng Standing Committee ng Politburo na sina Li Keqiang at Wang Qishan, ang bumitiw sa karaniwang kaugalian. Sa halip na hayaan ang mga karaniwang litanya ng mga salita at mahahabang pasakalye, sinabihan nila ang mga opisyal at mga iskolar na huwag nang basahin ang mga talumpati at dumiretso na sa diskusyon.

Ayon kay Zhen Xiaoying, dating Pangalawang Pangulo ng Central Institute of Socialism, ang rason kung bakit idinaraos ang mararangyang resepsyon ay pagpapa-impress sa mga mataas na lider.

Aniya, kung ang pagdaraos ng mga ito ay para sa pagpapa-impress lamang at pormalidad, ang mga ito ay walang saysay.

"In China, it is very important for the central leadership to set an example because it sends a strong signal to officials at the lower levels." Ito naman ang sinabi ni Ma Huaide, Propesor ng Abogasya sa China University of Political Science and Law.

Sinabi naman ni Hu Bensheng, lagi siyang naaabala ng mabigat na trapiko at maraming pulis tuwing may mga dumadaang opisyal ng gobyerno noong siya ay nagtatrabaho pa sa probinsya ng Jilin.

Pero, dagdag niya, ang talagang nakakairita ay iyong pagsasara ng mga kalsada sa loob ng 30 minuto kapag may motorcade ang mga opisyal ng gobyerno.

Sabi pa ni Hu, "noong nakaraang taglamig, (minus 20 degree centigrade), habang siya ay nasa loob ng kanyang kotse, nakita niya ang mga naglalakad, mga nakasakay ng bisikleta, mga estudyante, at mga karaniwang tao na naghihintay upang makadaan sa sinarhang kalye dahil sa motorcade ng isang opisyal.

Samantala, noong namasyal ang mga kaibigan ni Hu sa Changbai Mountain ng Jilin noong nakaraang taon, sinabi ng mga namamahalang tauhan na hindi sila maaring pumasok sa parke, dahil naroon ang isang mataas na opisyal ng gobyerno.

Ani Hu, masaya siya sa mga malaking pagbabago na ginagawa ng bagong sentral na pamahalaan. Naniniwala rin si Hu na ang mga hakbanging isinasagawa sa pamumuno ni Xi Jinping ay magsasaayos sa relasyon sa pagitan ng mga mamamayan at pamahalaan.

"It's really time to cancel the privileges enjoyed by officials or else their relationships with the common people will grow more distant," dagdag pa niya.

Alam po ninyo mga kababayan, kung babalikan natin ang kasaysayan, ito ang kauna-unahang pagkakataon, magmula kay Deng Xiaoping, na may isang lider Tsino na may kakaibang diskarte sa pamamalakad ng bansa. Hindi natin sinasabi na pangit ang pamamalakad na ginawa ng ibang lider Tsino. Lahat sila ay magaling sa kanya-kanyang, kaya umabot ngayon ang Tsina sa kanyang kinalalagyan.

Pero, sa pagpasok ng bagong sentral na pamahalaan ng Tsina, maraming mga mamamayang Tsino ang optimistiko at mataas ang pag-asa sa pamumuno ni Xi Jinping.

Sa aking sariling pananaw, dahil na rin ito sa mga di-kumbensyonal na polisiya ng G. Xi na nakapokus sa pagbibigay ng ginahawa sa buhay ng mga tao. Sabi nga niya, magpupunyagi siya, kasama ng bagong sentral na pamahalaan upang maitatag ang isang lipunang maginhawa, sibilisado, at nagbibigay ng pantay-pantay na karapatan sa lahat ng mamamayang Tsino.

Ito aniya ang pag-abot sa "Chinese Dream."

Ipinangako rin niya sa komunidad ng daigdig na mapayapang uunlad ang Tsina at hindi kailanman ito magiging banta sa kahit anumang bansa sa daigdig. Sa halip, ang Tsina aniya ay magiging katuwang ng lahat ng bansa upang maitatag ang mapayapa at maharmonyang mundo.

 

 

 

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>