|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Bagong lutong tinapay, simula ng bagong buhay
Mga kabaranggay, doon po sa #79 Huaqiao Road ng Gulou District, lunsod ng Nanjing, matatagpuan ang isang panaderya na kung tawagin ay Amity Bakery. Mula sa labas, mukha at amoy pangkaraniwang panaderya lamang ito. Pero, sa sandaling ika'y pumasok at makipag-usap sa mga trabahador, kaagad mong mapapansing halos isang katlo sa kanila ay mga taong may espesyal na kondisyon sa pag-iisip o mentally challenged.
Ang Amity Bakery ay isang establisyemento na may marangal at kahanga-hangang intensyon. Binibigyan nito ng pag-asa ang maraming taong may espesyal na kondisyon sa pag-iisip at tinuturuan silang kumita at mamuhay ayon sa normal na istandard ng lipunan.
Pero, sa kabila ng gawaing ito, marami pa rin ang kinakaharap nitong pagsubok. Mga kababayan, ngayong gabi ang gawain ng organisasyong ito, at ang mga kahirapang kanilang kinakaharap ang ating pagtutuunan ng pansin.

Bread with love

Amity Bakery sa NanJing

Mga bread sa Amity Bakery

Mga baker sa Amity Bakery

| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |